Kabanata 37 El Filibusterismo – “Ang Hiwagaan” (BUOD)
KABANATA 37 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 37 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung-pitong na kabanata.
Ang Kabanata 37 ay may titulo na “Ang Hiwagaan” na sa bersyong Ingles ay “The Mystery”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pangkalat ng balita ay si Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita.
Kanya-kanya nang hula ang mga tao kun sino ang salarin. May nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng tinutuluyan pero hindi ito nakinig.
Nagpatuloy ang mga usapan ukol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun.
Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin raw ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat.
May mga nagsabi naman na baka mga prayle o si Quiroga o si Makaraig ang nagpasabog.
Pero buo ang isip nila na si Simoun dahil nawawala iot ngayon at pinaghahanap na ng mga sundalo.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 36 – Mga Kapighatian Ni Ben Zayb
Kabanata 38 – Kasiwaang Palad