Kabanata 27 El Filibusterismo – “Ang Prayle At Ang Estudyante” (BUOD)
KABANATA 27 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 27 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 38 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-pitong kabanata.
Ang Kabanata 27 ay may titulo na “Ang Prayle At Ang Estudyante” na sa bersyong Ingles ay “The Friar And The Filipino”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Nasa tanggapan ni Padre Fernandez ang mga mag-aaral na si Isagani, Inusig ng pari ang binata sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba nito sa hapunan.
Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ni Padre Fernandez dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari.
Nagpalitan ng papuri ang prayle at binata sa kabila ng palitan ng argumento. Naisa-isa gayunpaman ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng prayle na malabis na ang sinasabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Isagani at sinabing kasama ang kalayaan at karunungan sa pagkatao ng nilalang. Nagwikan din ang binata ukol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino para maging maginhawa lamang.
Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pagkatalo ng isang estudyanteng Pilipino.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 26 – Mga Paskin
Kabanata 28 – Pagtatakot