Share to Facebook Share to Twitter More...

Kabanata 26 El Filibusterismo – “Mga Paskin” (BUOD)

KABANATA 26 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 26 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 26 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-anim na kabanata.

Ang Kabanata 26 ay may titulo na “Mga Paskin” na sa saling Ingles ay “Pasquinades”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni Basilio. Maagang gumising ang binata para pasyalan sa pagamutan ang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya si Makaraig na kaibigan niya para kunin ang hiniram na pera upang makuha na niya ang kanyang grado.

Habang patungo sa pamantasan si Basilio ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa lob ng paaralan. Maingay nilang pinag-usapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan,

Ubod ng takot si Basilio sa kanyang narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.

Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga gwardiya sibil. Pinigilan siyang pasukin at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan. Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimestigahan,

Laking gulat na lamang ng binata dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan
Kabanata 27 – Ang Prayle At Ang Estudyante

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kabanata 26 El Filibusterismo – “Mga Paskin” (BUOD)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.