Share to Facebook Share to Twitter More...

Kabanata 28 El Filibusterismo – “Pagkatakot” (BUOD)

KABANATA 28 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 28 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 28 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-pitong kabanata.

Ang Kabanata 28 ay may titulo na “Pagkatakot” or “Tatakot” na sa parehong saling Ingles ay “Fear”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nagwika si Ben Zayb na wasto ang kanyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan.

Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil na kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari.

Nais namang konsultahin ni Quiroga si Simoun ukol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay pero nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na huwag galawin ang mga ito.

Nagpunta siya kay Don Custodio pero ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya nagtungo siya kay Ben Zayb. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya agad itong umalis.

Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiyago para ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Pumanaw na si Tiyago. Kumaripas naman ng takbo ang pari.

May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon.

Hinabol ng mga sibil ang mga ito. Nahuli nila ang dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 27 – Ang Prayle At Ang Estudyante
Kabanata 29 – Ang Huling Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kabanata 28 El Filibusterismo – “Pagkatakot” (BUOD)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.