Buod Ng Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao

Buod Ng Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao

ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CANAO – Sa paksang ito, ating alamin ang buod ng istorya ng “Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao”.

ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CANAO

Ang kwetong ito ay isinulat ng isang manunulat na si Simplico Bisa.

Narito ang buod ng kwentong ito na ayon sa isang PowToon presentation ni Rheymark Angeles.

Ang kwentong ito ay nagsimula sa isang matanda na dumating sa ritwal ng Cañao o Kanyaw. Isa siyang kubang papilay-pilay at naupo sa lusong. Hindi siya gaanong pinansin kung hindi siya nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan sa paghabol sa iaalay sa kanilang ritwal. Ang iaalay na baboy ay ang natatanging piging upang mag-alay sa bathala nilang Kabunian.

Sa pagtungo sa kaingin ng isang lalaking si Lifu-o, nakakita siya ng uwak sa gitna ng daan na isang masamang tanda. Ipinasya niyang magdaos ng ritwal.

Ang mga kabataang katutubo ay humahabol sa mga baboy na iaalay sa kanilang bathala. Sa kanilang paghabol ay napadako sila sa lusong na nandoon ang matandang kuba. Natumba ang matanda. Napansin ni Lifu-o at dinulitan ang matanda.

Nagsalita ang matanda sa isang makapangyarihang tinig. Tumigil ang Cañao.

“Ang idinaraos nyong Cañao ay bibiyayaan ng mga anito. Narinig na iyan ni Kabunigan. Ibig kong maghandog sa inyo ng aking alaala.” sabi ng matanda.

Sa malamig na tinig ay nagtugon siya na taklubin siya ng isang malaking kawa at ipatuloy nila ang Cañao at huwag gagalawin ang pagkataob sa kanya.

Dahan-dahang itinaklob ni Lifu-o ang matanda sa kawa. Sa silangan, ang liwanag ay pumupusyaw at ang puno ng pino ay nakahugis na.

Ang kawa iy itinaas. Lumapit ang apat na matitipunong katutubo sa kawa ngunit may napasin silang umuusbong na isang kakaibang halaman.

Sila ay nangangayupa, nananalangin, at nag-aawitan sa saliw ng gangsa ng palakas. Ang mga lalaki’t babae, bata’t matanda ay nagsisiindak dahil ang umusbong ay isang gintong halaman.

Ang halamang ginto ay pataas na ng pataas at palago na nang palago na nagiging puno na ito. Ang mga katutubo ay pumunta sa puno upang pitasin lahat ng ginto.

Nag-aagawan sila at nagtutulakan habang pinitas ang puno hanggang naubos na ang lahat ng ginto. Nabuwal ang puno at bumagsak. Napaisip ni Lifu-o ang matandang kuba na dumating sa Cañao. Ang kubang nakaupo sa nakatumbang lusong.

BASAHIN DIN: Tula Tungkol Sa Pamilya – Mga Halimbawa Ng Tulang Pampamilya

Leave a Comment