Sagot Sa Tanong “Bakit Kaya Mahalaga Ang Media Literacy?”
MEDIA LITERACY – Sa paksang ito, ating alamin ang mga dahillan kung bakit mahalaga ang tinatawag na Media Literacy.
Unahin muna nating alamin ang kahulugan nito.

Kahulugan
Ito ay tumutukoy sa kakayahan na alamin ang ibang uri ng mga medya at maintindi ng mga mensahe na ipinahayag ng bawat uri.
Walang etsaktong salin ito pero kun meron, ito ay tatawaging “literacy sa medya” o “kaalaman sa medya”. Ang terminong literacy o kung sa Tagalog ay “karunungang bumasa at pagsulat” ay ang kakayahan na magabasa at makaintindi sa nakasulat.
Bakit ito mahalaga?
Narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ito, ayon sa isang artikulo na mula sa Edukasyon.
- Nagtuturo ito kung paano mapatunayan ang impormasyon at makilala ang ng iba pang mga pananaw
- Nagtuturo ito kun paano magsuri ng kredibilidad ng impormasyon. Halimbawa kun toto ba ang ipinapakita ng litrato sa iyo o nagsasaad ba ang artikulo sa sinasabi ng partikular na tao.
- Hinihikayat nito ang kritikal na pag-iisip
- Sa pag-iisip na kritikal, makikita natin kung walang kabuluhan ang impormasyon na nakikita natin.
- Hinihikayat rin nito na magpapakita ng iba pang mga pinagkukunan na medya na responseable
- Ang pagiging malaya sa pagli-like, pagkokoment o pagbabahagi ng mga impormasyon online ay mayrron ding panganib. Kaya mag-ingat tayo sa pagbabahagi nga mga impormasyon na pinagkukunan natin
- Nagsasad ito sa mga mambabasa kung paano ito maapektuhan ang kultura natin
- Ang medya ay may kakayahan na mag-endorso ng ating kultura sa iba’t ibang paraan.
- Nagtutulong ito sa atin na magtukoy at makilala ang mga planong pankomunikaton at pangkalakalan.
- Halimbawa nito ay ang mga nakikita natin mga kasabihang pagganyak na nila-like natin at ibinabahagi sa Facebook.
- Nagtuturo ito kung paano hindi tayo dapat madaling makuha sa kanilang panghihikayat
- Ang pag-alam ng dalawang bahagi ng kwento ay nagbibigay ng pagiging neutral natin at hindi tayo basta-basta lang madaling makuha sa mga impormasyon na nagbabaha-bahagi ng isang lipunan katulad ng pekeng balita o mensaheng propaganda.
- Naghihikayat ito na magiging aktibo tayo sa ugnayang pampubliko bilang isang mamamayan.
- May kakayahan tayong mag-usap sa mga usapang pampubliko na kung saang ang positibo at negatibo na mga reaksyon ay nagaapekto sa pag-iisip ng tao.
- Nagtuturo ito sa atin kung paano tayo gumawa ng ating nilalaman
- Sa buod, ito ay nagtuturo sa atin na maging responsable sa mga impormasyong binabasa o nakita natin at gumagawa ng bahagi ng impormasyon na ipapahayag natin sa iba.
BASAHIN DIN – TANTRUM: Mistakes Parents Might Be Doing In Dealing w/ Child’s Tantrum