STEREOTYPING – Mga Konkretong Halimbawa ng “Stereotyping”

Talaan ng mga Konkretong Halimbawa ng Stereotyping

STEREOTYPING – Narito ang kahulugan nito at ang mga konkretong halimbawa nito.

Sa lipunan, isa sa mga hindi maiiwasan ay ang stereotyping. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay pagkakilanlan sa isang tao o bagay base sa ilang mga paniniwala. Sa Filipino, ito ay tinatawag na pag-eestereotipo.

Stereotyping

Mga Konkretong Halimbawa ng “Stereotype”

Pagsuot ng salamin

Palaging sinasabi na ang mga taong sumusuot ng salamin ay mga matatalino. Ngunit, ang pagsuot ng salamin ay mas direktang konektado sa paglabo ng mga mata. May mga tao talagang galing sa lahi ng mga malalabo ang mata o ‘di kaya’y nagsasalamin sa sobrang paggamit ng mga bagay na may radyasyon.

Pagiging guro

Hindi maikakaila na mas kilala ang propesyon na pagiging guro sa mga babae. Pagkasabi ng “guro”, kadalasan, ang pumapasok sa ating mga isipan ay babaeng nakasuot ng salamin at nagtuturo sa harap ng klase.

Mahinhin ‘pag babae

Isa rin sa mga paniniwala sa lipunan tungkol sa mga babae ay ang pagiging mahinhin. Subalit, hindi ito totoo sa lahat ng mga tao o babae. Mayroong mga lumaking matapang at brusko.

Tattoo

Kadalasan, negatibong pananaw ang mayroon ang lipunan para sa mga taong may tattoo. Ito ay inihahalintulad sa pagkakaroon ng bisyo.

Pagkakaroon ng makulay na buhok

Hindi maikakaila na ang pagkakaroon ng makulay na buhok lalong-lalo na sa mga bata ay nagbibigay rin ng negatibong pananaw mula sa ibang tao. Marami ang mas nais ang natural na kulay ng buhok dahil inihahalintulad ito sa pagiging simple.

Lalaki ang pinakamagaling sa isports

Mas kilala ang mga lalaki pagdating sa isports. Subalit, hindi totoo na mas lamang sila sa mga babae dahil may mga babae rin na kilala sa larangan na ito. Subalit, hindi rin ibig sabihin na mas magaling ang mga babae.

BASAHIN RIN: Ano Ang Istraktura Ng Lipunan At Ang Kabilang Dito?

Leave a Comment