Narito Ang Mga Halimbawa Na Mga Tula Tungkol Sa Pag-ibig
TULA TUNGKOL SA PAG-IBIG – Narito ang mga mga iba’t ibang mga halimbawa ng tula para sa ina na maari ninyong gawing regalo para sa kasintahan o mahal mo.
Kabilang rin dito ang mga tulang pag-ibig na malungkot sa mga panahon na ikaw ay sawi. Kaya naman, ang mga tula ay pawang tungkol sa pag-ibig sa pangkahalatan.
Narito ang mga tulang tungkol sa pag-ibig.
Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
Pilak ay may pakpak
Dagling lumilipad
Pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.
Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
Ganda’y nagbabawa
Kapag tumanda na
Ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.
Huwag kang iibig sa dangal ng irog
Kung ano ang tayog
Siya ring kalabog
Walang taong hindi sa hukay nahulog.
Huwag kang iibig dahilan sa nasang
Maging masagana
Sa aliw at tuwa
Pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya.
Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo
At mahal sa iyo
Kahit siya’y ano,
Pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.
Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga
Ikaw na suminta
Ang siyang magbata;
Kung maging mapalad, higit ka sa iba.Sa Pamilihan ng Puso ni Jose Corazon de Jesus
Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
Di upang magtubo
Kaya sumusuyo
Pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.
Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.
Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!
Ang awa ng langit at awa mo naman
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na maibibigay.Awa sa Pag-ibig ni Jose de la Cruz
Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,
Sa langit na hintin ang magiging habag?
Napalungi namang patad yaring palad,
Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.
(Kay…..)
Noo’y isang hapon! Ikaw’y nakadungaw
At waring inip na sa lagay ng araw,
Ang ayos mo noon ay nakalarawan
Sa puso kong itong tigib kalumbayan.
Anomang gawin ko’y hindi na mapawi
Ang naging anyo mong pagkayumi-yumi,
Itong aking pusong nagdadalamhati’y
Tinuruan mo pang umibig na tangi!
Kung nang unang dako’y hindi ko nasabi
Sa iyo ang aking tunay na pagkasi
Ay pagka’t ang aking puso ay napipi
Sa harap ng dikít na kawiliwili.
Sa ngayo’y narito at iyong busabos
Ang aking panulat at aking pag-irog;
Ang aking panitik: walang pagkapagod,
Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos.Noo’y Isang Hapon, isang tula mula sa ika-19 na siglo
Kung pangarapin ko ang lamlam ng araw
At naging anyo mo sa pagkakadungaw
Ay minsang sumagi sa aking isipang
“Ikaw kaya’y aking maging Paraluman?”
Nandirito nanaman ako sa madilim na sulok,
Umaasa, nasasaktan at mangyaring nakakasulasok.
Pagkalungkot ng sarili’y kailangang tugunan,
At ang nagbabadyang kasiyahan ay dapat lang na mapunan.
Ang pagpaskil sayong mga larawan,
Ang patuloy na walang sawang pagpaparamdam,
At ang mga paglingon sayong makapigil-hininga
Hanggang alaala nalang pala.
Sa mga pag-ikot at bawat pagtigil ng oras;
Sa kakarampot na pag-asa na sayo nga ay tumaliwas;
Sa bawat pagluha na pinapanalanging dinggin,
Oo, ito na nga,sapagkat bakit may kulang?
Yun bang sa mga espasyo? Siya yung laman.
Sa bawat lugar? Siya yung daanan;
Marahil hindi na nga ito mangayayaring muli,
Kahit sa huling paghiling na makapiling kang kahit sandali.Paalam ni Aaron Joshua Altomia
Sa bawat pagtara ko sa mga numero sa kalendaryo,
Hinding-hindi naisip na sayo’y sumuko.
At dahil nga hanggang dito nalang,
Ito ang aking una’t huling paalam.
BASAHIN DIN – TULA PARA SA INA – Mga Halimbawa Ng Tulang Nito