BAHAGI NG AKLAT – Mga Bahagi At Ang Gamit Nila

Narito Ang Mga Bahagi Ng Aklat At Ang Mga Gamit Nila

BAHAGI NG AKLAT – Sa paksang ito, ating alamin at tukasin ang iba’t ibang mga bahagi ng aklat at ano ang layunin o gamit ng bawat isa.

BAHAGI NG AKLAT

Alam niyo ba na pati ang aklat ay may mga bahagi rin na pinapangalanan? Kung wala pa, narito ang mga sumusunod na mga bahagi:

Mga Bahagi

  • Pabalat – ito ay ang nasa harapan at hulihan ng isang aklat at nagbibigay ng proteksyon sa aklat. Naglalaman ito ng larawan at titulo ng isinulat na aklat.
  • Pahina ng Karapatang Sipi – Ito naman ay isang pahina na kung saan makikita ang taon na kung kailan inilathala ang aklat. Kabilang rin dito ang pagpapahayag ng karapatan ng awtor at kun saan ito inilimbag para makita ng mambabasa kun saan nanggaling ang aklat.
  • Pahina ng Pamagat – dito naman nalalaman ang pangalan ng awtor na nagsulat ng aklat, ang pamagat ng aklat at ang ngalan ng palimbagan.
  • Paunang Salita – sa pahina o mga pahinang nito nakasaad ang mensahe ng awtor para sa magbabasa ng kanyang aklat. Nalalaman rin dito ang mga tip para mapakinabangan sa paggamit ng aklat ng mga nagbabasa nito.
  • Talaan ng Nilalaman – sa pahina o mga pahinang nito nakalagay ang listahan ng mga nilalaman o mga paksang tatalakayin sa aklat.
  • Katawan ng Aklat – ang pinakamahalagang bahagi. Sa dito mababasa ang lahat na nilalaman ng aklat.
  • Glosari – sa bahaging ito makikita ang mga mahihirap na salitang ginagamit sa aklat at ang kahulugan ng bawat isa. Ang pagkaayos nito ay nakaalpabeto.
  • Indeks – ito naman ang bahagi kung saan nalalaman ng listahan ng mga paksang nakaayos ng paalpabeto rin at ang pahina kung saan ito makikita.
  • Bibliyograpiya – ito naman ang listahan ng mga pinagmumulan na ibang aklat na inilagay sa aklat nito.

BASAHIN DIN – ANO ANG MAIKLING KWENTO – Kahulugan & Mga Halimbawa

Leave a Comment