ASPETO NG PANDIWA – 3 Aspeto ng Pandiwa & Mga Halimbawa

Pagtalakay Sa 3 Aspeto ng Pandiwa & Mga Halimbawa Ng Bawat Isa

ASPETO NG PANDIWA – Narito ang isang pagtalakay sa tatlong aspeto ng salitang kilos at kanilang mga halimbawa.

Sa asignaturang Filipino, isa sa mga topiko na maituturing na pundasyon upang mas mapadali ang pag-intindi sa iba pang mga topiko ay ang bahagi ng pananalita.

Ang bahagi ng pananalita ay isang malawan na topiko. Sa katunayan, mayroong walong(8) bahagi ng pananalita at bawat isa may iba’t ibang sangay.

Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang pandiwa o salitang kilos. Ito ay ginagamit sa pangungusap upang magsaad ng kilos o aksyon ng simuno.

Aspeto ng Pandiwa

Mayroong tatlong aspeto ng pandiwa – ang perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Ang bawat isa sa kanila ay lubos na may ipinagkakaiba.

Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang bawat aspeto ng pandiwa kabilang na ang kanilang mga kahulugan at mga halimbawa.

Perpektibo

Ang Perpektibo na aspeto ay nagsasaad ng kilos na naganap na o natapos na. Kadalasan, ang unlaping “nag-” ay dinudugtung sa salitang ugat.

Mga Halimbawa:

  • Naghain
  • Naglinis
  • Nagbayad

Iba pang mga halimbawa:

  • Kinuha
  • Inalis
  • Binigyan
  • Tinupad
  • Pinaalis
  • Tinanggal
  • Dinayo

Imperpektibo

Ang Imperpektibo ay tumutukoy sa kilos na parating ginagawa o kasalukuyang nangyayari. Kadalasan, mayroon itong inuulit na bahagi ng salitang ugat.

Mga Halimbawa:

  • Naglalaba
  • Nagluluto
  • Nagtitinda
  • Naglalaro
  • Nagsasaing

Iba pang mga halimbawa:

  • kumakanta
  • sumasayaw
  • gumagawa
  • tumatahi
  • tumatawag

Kontemplatibo

Ang aspeto na ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang. Kadalasan, ang unlaping “mag” ay dinudugtungan ng salitang ugat.

Mga Halimbawa:

  • magsasaing
  • magbibigay
  • maglalako
  • magdidilig
  • maghahain

Iba pang mga halimbawa:

  • Kakanta
  • Sasayaw
  • Kukunin
  • Tatalon
  • Hihiling

BASAHIN RIN: Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang”

1 thought on “ASPETO NG PANDIWA – 3 Aspeto ng Pandiwa & Mga Halimbawa”

Leave a Comment