BALANGKAS – Ang Kahulugan At Ang Limang Elemento Nito
BALANGKAS – Sa paksang ito, malalaman natin ang kahulugan nga balangkas o “plot” sa Ingles at ang limang mga elemento nito.
Kahulugan
Ito ay ang pagkasunud=sunod ng kwento. Ito ay ang maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa.
Ang Limang Elemento
May limang elemento ang isang balangkas: panimula, pataas na aksyon, kasukdulan, pababang aksyon, at wakas.
1. Panimula (Ingles: Introduction/Exposition)
Ito ay kadalasang pagsimula ng buong kwento. Ito ay kun saan ang mga karakter at ang mga elemento ay ipinapakita. Sa ibang sitwasyon, napahiwatig na ang problema o laban sa bida natin. Importante ito sapagkat sa panimula na nakunan ng atensyon ng bumabasa.
2. Pataas na aksyon (Ingles: Rising Action)
Mahahanap ito sa isang-katlong bahagi ng kuwento, nobela, o sulat. Dito natin ipinasok ang labanan o problema na haharapin ng ating bida sapagkat nagsimula nang lumala ang mga bagay na nakapalibot sa kanya
3. Kasukdulan (Ingles: Climax)
Ito ay magiging punto ng ating kwento kung saan ang bida natin ay mapapanganib o lapit nang magwawagi o magiging talo siya, fisikal man o mental.
4. Pababang Aksyon (Ingles: Falling Action)
Dito natin matatapos ng tunay ang labanan o problema. Dito rin natin maipakita ang ginawa ng bida, mabuti man o masama.
5. Wakas (Ingles: Conclusion)
Ang wakas ng isang kuwento, nobela, o sulat. Dito rin ipapasok ang resolusyon. Ito ay kun saan pinagligpit na ang lahat at ang resulta ay masaya man o malungkot.
BASAHIN DIN: Di Likas Na Yaman At Likas Na Yaman – Ang Pinagkaiba Ng Dalawa