PANAGURI – Ano ang Panaguri at Mga Halimbawa ng Panaguri

Gabay Kung Ano Ang Panaguri at Mga Halimbawa Nito

PANAGURI – Narito ang pagpapaliwanag kung ano ang panaguri at ang mga halimbawa nito.

Isa sa mga asignatura na itinuturo sa elementarya o sa mga mababang paaralan sa Pilipinas ay ang Filipino. Layunin ng pagtuturo nito na palawakin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.

Mula sa simula ng pag-aaral hanggan sa kolehiyo, may iba’t ibang leksyon tayo na pagdaraanan sa asignaturang Filipino. Kadalasan sa mga ito ay tungkol sa pangungusap.

Sa artikulong ito, ating tatalakaying ang isa pang bahagi ng pangungusap bukod sa simuno o sa Ingles ay subject.

Panaguri

Isang pagbabalik tanaw sa simuno bago natin talakayin ang panaguri, it ay ang bahagi ng pangungusap na gumagawa ng kilos o ‘di kaya’y pinag-uusapan sa pangungusap.

Halimbawa: Si Alex ay bumalik sa parke kaninang tanghali.

Ang simuno sa pangungusap na nakasulat sa itaas as si “Alex”. Siya ang pinag-uusapan.

Ano ang Panaguri?

Ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasaad ng detalye tungkol sa simuno. Hindi ito nagsisimula sa malaking titik at maaari itong higit pa sa isang salita.

Tungkol sa pangungusap na “Si Alex ay bumalik sa parke kaninang tanghali”, ang panaguri ay “bumalik”.

Narito ang ilan pa sa mga halimbawa ng bahagi ng pangungusap na ito:

  • inilagay
  • tumakbo
  • nilinis
  • ipinagdiwang
  • nagluto

Mga Halimbawa ng Panaguri na ginamit sa pangungusap:

  • Ang sabaw ay inilagay sa loob ng refrigerator.
  • Ang aso ay tumakbo patungo sa kanyang amo.
  • Si Dante ay nilinis ang silid-aralan ng maaga.
  • Ang kaarawan niya ay ipinagdiwang nila sa bukid.
  • Ang nanay ay nagluto ng masarap na ulam.

Maraming salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Nawa’y may natutunan kayo mula sa artikulong ito. Para sa mga komento at iba pa, maaaring mag-iwan ng mensahe sa pamamagitan ng komento sa ibaba.

Leave a Comment