Kilalanin ang 9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito
URI NG PANG-ABAY – Narito ang siyam(9) na uri ng pang-abay at ang mga halimbawa ng bawat isa.
Isa sa mga bahagi ng pananalita na maraming uri ay ang pang-abay. Isa rin ito sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa mga pangungusap.
Ano ang pang-abay?
Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay tinatawag na adverb sa wikang Ingles.
Ang bahagi ng pananalita na ito ay may maraming uri. Sa katunayan, mayroong siyam(9) na uri ng pang-abay – pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, pamitagan, pampanukat, panulad, at pamitagan,
9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi
2. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan
3. Pang-abay na Panlunan
Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari.
Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay o kilos.
Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o pangyayari.
Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay
6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang.
Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.
7. Pang-abay na Pamitagan
Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang pang-abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.
Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?
8. Pang-abay na Pampanukat
Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at ng pamilya niya sa bahay ni Tiya Mirasol.
9. Pang-abay na Panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ayon sa Answers, ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing