Kahulugan kung Ano ang Pang-abay, Mga Halimbawa Nito
ANO ANG PANG-ABAY – Narito ang kahulugan kung ano ang pang-abay at ang mga halimbawa ng ganitong bahagi ng pananalita.
Simula elementarya, ating pinag-aaralan ang mga bahagi ng pananalita. Bukod sa pandiwa at pang-uri, ang isa pang bahagi ng pananalita na kadalasan ay ginagamit sa mga pangungusap ay ang pang-abay.
Ano ang Pang-abay?
Ang Pang-abay ay ang bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at maging sa kapwa nito pang-abay. Sa Ingles, ito ay tinatawag na adverb.
Ilan sa mga halimbawa ng pang-abay ay ang hinay-hinay, malakas, araw-araw, mabilis, at bukas.
Ngayong alam na natin ang kahulugan kung ano ang pang-abay, narito ang ilan sa mga pang-abay na ginamit sa pangungusap:
Mga Halimbawa ng Pang-abay
Mabilis ang pagmamaneho ni Roldan ng dyip kaya hindi siya agad naka-iwas sa kariton na biglang sumulpot sa kalsada.
Araw-araw ay dinadalhan ni Aling Fely ng pagkain si Simeon sa ospital kahit na ayaw siyang makita ng anak niya.
Marami na marahil ang nakarinig na uuwi ang mag-asawang Don Juanito at SeƱora Veronica sa Hacienda de Gloria.
Talagang kitang-kita ang pagtanggi ni Jerold sa pasya ng ama niya tungkol sa lupain nila sa Mindanao kaya kakausapin siya ng kanyang ina.
Bukas ay luluwas ng maaga ang mag-amang Mang Ben at Pablo papuntang Maynila upang mamili ng kanilang ihahanda para sa darating na Pasko.
Hindi pa lubusang naayos ang tangke ng tubig sa baryo kaya nag-iigib pa rin ng mga tubig ang mga tao mula sa kabilang baryo tuwing umaga.
Alam ni Carlos na hindi siya makakaalis habang gising ang ama kaya nagplano siya kung paano ito dahan-dahang patutulugin ng mahimbing.
Magaling kumanta si Lorenz kaya lagi siyang kinukuha sa mga piyesta sa barangay.
Lumapit siya ng dalawang hakbang at biglang tumakbo pagkatapos makita ang taong nakakubli sa dilim.
Maraming bata ang naghihintay sa iyo sa parke.
BASAHIN RIN: 9 Na Uri Ng Pang-abay, Mga Halimbawa Nito