Limang (5) Maikling Kwento Para sa mga Bata
MAIKLING KWENTO – Narito ang limang(5) halimbawa ng mga maikling kwento para sa mga bata.
Si Stella at ang mga Kaibigan Niya sa Araw ng Pasko
Talagang malapit ang dalagang si Stella sa mga bata sa ampunan. Kahit mga kaibigan niya ay nagtataka kung bakit mas pipiliin pa niyang magdiwang ng Pasko doon kaysa mamasyal.
Mayaman sina Stella at tunay siyang anak nina Don Manuel at Señora Faustina. Isang araw, tinapos na ni Stella ang pagtataka ng mga kaibigan at sinabi na niya kung bakit talagang malapit ang puso niya sa mga bata.
Ang mga Nawawalang Sapatos ni Kulas
Luma na at may sira ang sapatos ni Kulas kung kaya’t binilhan siya ng bago ng kanyang mga magulang. Subalit, makalipas ang ilang araw ay balik na naman sa luma ang ginagamit ng bata at hindi na nakikita ng ina ang biniling sapatos.
Nagpatuloy ang ganung pangyayari hanggang sa isang araw ay tinanong na talaga ni Vina ang panganay na anak kung nasaan ang mga bagong sapatos nito.
Si Juan at ang kanyang mga Paboritong Chichirya
Mahilig kumain ng chichirya si Juan kung kaya’t kadalasan ay hindi ito kumakain ng tanghalian at hapunan. Palagi siyang pinaaalahanan ng inang si Aling Meding tungkol rito pero balewala lang sa bata.
Isang araw, biglang sumakit ang tiyan ni Juan at dinala siya ng ina sa ospital. Pagkatapos mapatingnan sa doktor ang anak ay pinagkasya na lang ni Aling Meding ang pera sa gamot at ulam nila.
Subalit, hindi pa rin natinag si Juan sa pagkain ng mga paborito niyang chichirya. Isang araw, halos hindi na siya makalakad sa sakit ng tiyan niya at isinugod siya sa ospital.
Si Bb. Lucia at ang mga Mag-aaral ng Klaseng Sampaguita
Mahal na mahal ni Bb. Lucia ang kanyang mga mag-aaral sa klase Sampaguita. Totoong anak na ang turing niya sa mga ito. Sila ang mga itinuturing niyang pamilya sapagkat wala siyang asawa’t anak.
Isang araw, nagkasakit si Bb. Lucia. Maraming gawain ang kapatid kung kaya’t hindi siya mababantayan nito sa ospital. Sa araw na iyon at sa iba pang mga araw, pinaramdam ng mga mag-aaral niya ang pagmamahal nila sa kanya.
Ang Mga Munting Hiling Ni Kiko Sa Pasko
Isa si Kiko sa mga mag-aaral na napiling dalhin ng grupo ng mga negosyante sa shopping mall upang ipamili ng pamasko. Ito kaugnay sa adbokasiya nilang #PaskoMoSagotKo.
Pagdating sa pasyalan, napansin ng isa sa mga negosyante na hindi namimili ng mga laruan si Kiko ‘di kagaya ng ibang mga bata. Tinanong siya nito at agad naman niyang sinabi ang kanyang mga munting hiling.
hewooo cool story