Kilalanin ang mga Iba’t Ibang Uri ng mga Anyong Lupa
ANYONG LUPA – Narito ang iba’t ibang uri ng mga Anyong Lupa kabilang na ang Kapatagan, Bundok, Bulubundukin, Bulkan, Burol, Lambak, Talampas, at Tangway.
Hindi maikakaila na sadyang maganda ang pagkagawa ng Maykapal sa mundo. May iba’t ibang uri ng mga anyong lupa at anyong tubig na kamangha-mangha ang kagandahan. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang ipinagkakaiba sa lahat.
Sa aspeto ng anyong lupa, maraming iba’t ibang uri kabilang na ang kapatagan, bulkan, bundok, bulubundukin, burol, lambak, pulo, talampas, tangway, tangos, at delta.
Sa artikulong ito, ating kilalanin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa at ang kanilang ipinagkakaiba mula sa ibang uri.
1. Kapatagan
Maraming kapatagan sa Pilipinas lalong-lalo na sa Luzon. Ito ang uri ng lupa na walang pagtaas at pagbaba. Patag ang lupain na ito at malawak. Mainam itong tamnan ng iba’t ibang pananim katulad ng gulay dahil madali itong linangin.
2. Bundok
Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang bundok. Maraming bundok sa iba’t ibang dako ng mundo. Ito ay makikilala dahil sa mataas na pagtaas ng lupa.
3. Bulubundukin
Ang bulubundukin ay binubuo ng maraming magkakahanay na bundok o pagtaas ng lupa ng daigdig. Mas matataas at matatarik ito kaysa sa bundok.
4. Bulkan
Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki ang ipinagkakaiba nila dahil ang bulkan ay maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na bato. May mga bulkan na aktibo at mayroon din namang hindi aktibo.
5. Burol
Bukod sa bulkan, may isa pang uri ng anyong lupa na malapit rin sa bundok. Ito ay ang burol na parang maliliit na bundok ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog.
Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing tag-ulan at kulay tsokolate tuwing tag-araw. Ang isa sa pinakatanyag na burol ay ang Chocolate Hills sa Bohol.
6. Lambak
Ang Lambak ay isang patag na lupa na nasa gitna ng mga bundok. Katulad ng kapatagan, mainam rin itong taniman ng mga mais, gulay, at iba pang pananim dahil mabilis itong linangin.
7. Talampas
Ang Talampas ay medyo malapit sa Lambak. Madali rin itong linangin at patag rin. Ang ipinagkakaiba nila ay sa lokasyon.
Ang Talampas ay makikita sa isang mataas na lugar habang ang Lambk naman ay kadalasan sa mga mababang lugar napapalibutan ng bundok.
8. Tangway
Isa sa mga anyong lupa ay ang Tangway. Ito ay lupa na nakausli ng pahaba at may tubig sa paligid ng tatlong sulok nito.
Very nce and help a lot yobus in teaching
Gusto ko po malaman ang mga halimbawa ng mga anyong lupa. Ito po ay isasagot ko sa module na humihingi ng tulong mula sa amin sa pribinsiya. Dahil sa kadahilanan sobrang hina ng signal. At humahanap p sila ng mga matataas na lugar makakuha lng ng signal. Salamat po
Thank you so much
hi