Volunteer-Teacher Shares Hardships Serving During Barangay & SK Elections
A volunteer-teacher has shared her hardship of serving during the Barangay and Sangguniang Kabataan election last Monday (May 14, 2018).
Bernadette Santos, a volunteer-teacher shared how they were requested to report at the polling precinct around 4:00 am to receive the items that should have been given a day before the election day.
Santos revealed that they were assigned at telecom, an abandoned school, which was repaired to be their precinct.
The teacher said that she and her fellow teacher had no time to eat and no refreshments, not even water were given to them.
Around 8:00 pm, the teachers had to fill out a bunch of reports after they finished counting polls although they were exhausted.
Teacher Santos lamented the Comelec for not supporting them and not giving enough instructions on what they are going to do during the election.
Here’s the full story:
“Pag-iisipan ko nang matindi kung uulit pa akong mag Board of Election Officer sa susunod na eleksyon. Papapuntahin kami sa polling place nang alas-kwatro dahil sa mga gamit na dapat sana binigay na the day before. Dun pa lang malalaman kung saan kami nakalugar. Wala kami sa eskwelahan. Dun kami inilagay sa telecom, abandonadong eskwelahan ata yun na nagtayo lang ng pinagtapal tapal na plywood para makabuo ng presinto. Walang armchairs, kaya kami pang teachers ang naghakot mga kalahating kilometro ang layo.
Pagdating ng mismong halalan doon simula ang kalbaryo. Walang oras para kumain. Worst, walang patubig o pakain man lang sa teachers na hindi makaalis at mahirap makatayo dahil sa sunod-sunod na botante. Sa bilangan, daig pa namin kriminal kung bantayan ng mga watchers. Bawal magkamali, akala ‘ata nila may interes kami sa kandidato nila at may agenda kami. Nakakahilo rin unawain ang katigasan ng ulo ng mga bumoboto sa pagsusulat sa balota.
Alas-otso ng gabi kami natapos sa bilangan. Pagkatapos nun sandamakmak ang reports na mano-mano isusulat at tatapusin. Mga kinse mahigit na envelop yata ang pupunuan namin at kada envelope at selyo may pirma at thumbmark. Alas dose kami ntapos.
Marami ring nahuli matapos sa pag-aaccomplish ng reports dahil WALA namang maayos na orientation at DRY RUN ang comelec kung paano namin gagawin yun. Nakakaawa ang mga gurong nasilip ko na litong-lito sa reports habang binabantayan ng mga watchers, at ilang tao ng comelec na may marahas na tingin. May narinig pa ‘ko, “Parang hindi teacher, hindi alam ang gagawin”.
Kung alam lang nito na ibinagsak lang sa amin ang papel na parang sinasabi na bahala na kami intindihin tutal teacher kami at pag nagkamali, sa amin ulit ang sisi.
Walang sistema ang comelec. Mula pagbibigay ng paraphernalia at pagbabalik ng election returns. Hindi kami makaalis sa lugar hangga’t walang escort ng NAPAKATUMAL na sundo ng comelec. Inabot ng alas-kwatro nang umaga ang pag-alis. Pagdating sa comelec, pipila ka ulit nang mahaba. Sa dami ng presinto, kakaunti ang tao ng comelec para umestima.
Emotionally, mentally at physically tortured ang mga guro tuwing eleksyon. Marami akong nakitang teachers na nag-iiyakan na sa pagod at gutom. May na high-blood. May nagsusuka at namumutla na at hindi na makausap.
Kagigising ko lang. Hindi pagkain ang una kong naisip kundi ang naranasan ko. Tulala pa rin at nagpapasalamat sa Diyos na nairaos ko.
Alas-kwatro ako dumating, ala-singko ako kinabukasan umuwi nang bahay. Wasak at lupaypay.
Kailan iisip ng paraan ang comelec para sa pagpapadali ng trabaho namin?
Tuwing eleksyon ko nraramdamang hindi ako guro.”
What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.
You can also read Netizen Shares Poor Fast-food Employee’s Working Condition