Ano ang mga katangian ni Hermano Huseng? Alamin!
KATANGIAN NI HERMANO HUSENG – Alamin kung ano-ano ang mga katangian ni Hermano Huseng ng kwentong “Huling Hiling, Hinaing, at Halinghing”.
Ang kwento na “Huling Hiling, Hinaing, at Halinghing” ay isinulat ni Patrocinio C. Villafuerte. Isinulat niya ito noong Disyembre 18, 2010 at ang manunulat ang pinakaunang nagtamo ng prestihiyosong parangal gaya ng Genoveva Edroza Matute.
Ang kwento ay halos nakatuon sa buhay ni Hermano Huseng.
At ang isa sa mga karakter ng kwento ay si Hermano Huseng at ito ang kanyang mga katangian:
- may malasakit sa ibang at may paninindigan
- siya ang bunso sa mga magkakapatid
- ang kanyang asawa ay may lahing Cebuana
- siya ang nag-iisang hindi sumunod sa yapak ng kanilang yumaong na ama
- nais niyang sumulat at maging manunulat ng tula
- mahilig siyang mag-alaga ng mga hayop
Basahin ang buod mula sa upload ni Cambria Kilgannon:
Huling Hiling: Iskuwala
Umikot ang unang kabanata ng storya sa pagkamatay ng ama niHermano Huseng. Buhat ng mamatay ang kanilang ama ay pinaghati-hatian nila ang mga gamit ni to sa paga-anluwage. Ang martilyo ang piniling panganay, lagare ang sa pangalawa, katam naman ang sa pangatlo at iskuwala ang tanging hiniling ni Hermano Huseng.
Ang iskuwala umano ay hindi gaanong nagagamit ng ama di tulad ng ibang mga gamit na nasa mga kapatid na nito noong ito ay nabubuhay pa. Kagaya na lamang niya na hindi nakatulong sa ama noong panahon nitong paga-anluwage dahil nga sa tinanggihan nito na sundin ang kanilang tradisyon. Ito umano ang kaniyang huling hiling.
Huling Hinaing: Kalatas
Ang parte namang ito ay tungkol sa kalatas na iniwan ni Hermano Huseng. Noong mga panahong ito ay dalawang taon ng yumao ang kaniyang ama at isang taon naman sa kanyang ina. Noong burol ng kaniyang ina ay ang pangalawang anak na lamang ang nakarating dahilang panganay umano’y nagtatago, ang pangatlo nama’y nang ibang-bayan at si Hermano nama’y di matagpuan. Dito rin ay nasakop na ng mga dayuhang Instik ang ang halos ikatlong bahagi ng Tungkong Bato.
Isang gabi ay narinig ng tagapagsalaysay na may pumasok sa inabandunang bahay ng mga anluwage. Inisip nito na may mga taga-labas na namang pumasok dito. Kinabukasan ay pinuntahan ng tagapagsalaysayang bahay nila ngunit wala namang pinagbago ang lugar bukod sa nakita nito ang iskuwala ni Tata Pulo agad na sinundan ng tagapagsalaysay ang bakas ng paa ng taong pumasok dito at doon ay nakita nya ang isang kalatas. Nakasulat dito ang hinaing ni Hermano Huseng. Pigilin umano ang mga mapagbalat-kayong dayuhan sa pagsakop sa kanilang baryo. Nais itong iparating ni Hermano Huseng sa lahat ng kanyang mga kabaryo.
Huling Halinghing: Kasal
Nagmistulang isang disyerto ang Tungkong Bato dahil sa pagsalantang halos magli-limang buwan na tagtuyot. Sumapi ang tagapagsalaysay sa isang lihim na kilusan na kinabibilangan ni Hermano Huseng. Na naging dahilan ng pagtatakwil sakanya ng mga magulang nito pagtapos niyang ipagtapat sa mga ito ang kanyang tunay na pagkatao. Namatay ang mga magulang nito at hindi siya nakahingi ng kapatawaran sa kanila. Pinagsamantalahan ang tagapagsalaysay ng mga militar pagtapos nitong pasukin ang kanilang bahay. Binansagan syang Ka Hermana pagtapos niyang sumali sa kilusan habang si Hermano Huseng ay di pinapalitan ang kaniyang pangalan gawang paggalang nito sa namatay na ama.
Inimbita sya ni Hermano Huseng sa isang mahalagang pulong nagaganapin kinagabihan nung araw ding iyon. Siya umano ang pinakamahalagang tao na dapat ay nandoon sa oras ng pag-amin niHermano Huseng ng kaniyang ikinukubling lihim, ang itinitibok umano ngpuso nito. Sumapit ang gabi at inilahad ni Hermano ang kaniyang pahayag, sila umano ni Ka Santan ay nagkaka-ibigan na at nais niya ng kasal. Iyon rawang kaniyang Huling Halinghing.
Sa sobrang lungkot ay naisipan ni Ka Hermana na umalis na sakilusan. Sa pag-alis niya sa kilusan ay isang engkuwentro ang naganap.Pagbaba niya sa bayan ay isang pamilyar na mukha ang nakita niya sapahayagan. Mukha ni Hermano Huseng na umiiyak sa harapan ni patay nakatawan ni Ka Santan. Ang pangyayaring ito ay nagbigay pag-asa kay Ka Hermana na ipaglaban ang kaniyang itinatagong damdamin para Kay Hermano Huseng.
READ ALSO:
- Migrasyon Kahulugan – Ano Ang Ibig Sabihin Nito At Mga Epekto?
- Ano Ang Globalisasyon? Kahulugan At Epekto Nito
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.