Mga Kababaihan Ng Rebolusyong Pilipino at Ang Kanilang Nagawa

Sino ang mga kababaihan ng rebolusyong Pilipino? Kilalanin sila dito!

MGA KABABAIHAN NG REBOLUSYONG PILIPINO – Kilalanin sila at ang kanilang mga mahahalagang papel na ginampanan.

Noong panahon ng rebolusyon, ang mga babae ay may malaking mga papel na ginampanan. Sa kanilang sigasig at pagmamahal para sa kalayaan ng bayan, ang iba sa kanila ay nakipaglaban din.

Mga Kababaihan Ng Rebolusyong Pilipino

Wala man silang pisikal na kalakasan, ang kanilang kasarian ay hindi naging hadlang upang tumulong sila at makipaglaban.

Nagsanay sila sa paghawak ng armas panlaban at natutong sumakay sa kabayo para sa pakikipaglaban. At sa tulong ng mga kababaihan, napanatiling lihim ang pangkat ng katipunan sa loob ng apat na taon.  

Hindi man lumaban, ang iba ay nagsilbing taga-subi o taga-tago ng mga mahahalagang dokumento at ang iba ay nagpakita ng katapangan sa pamamagitan ng pakikipaglaban gamit ang pagsulat ng mga akdang laban sa mga dayuhan.

Kilalanin ang iba sa kanila:

  1. Gliceria Marella De Villavicencio – Itinuturing na bayani ng himagsikan noong 1896d dahil sa kanyang tulong moral at materyal sa paghihimagsik. Ang kanyang bahay ay nagsilbi ring punong himpilan at pinangaralan na “Pinunong Babae- Heneral Ng Mga Rebolusyonaryo” ni Heneral Emilio Aguinaldo.
  2. Trinidad Perez Tecson – Siya ang “Ina Ng Biak-Na-Bato” at isa sa mga matatapang na humawak ng armas noong panahon ng rebolusyonaryo upang makipaglaban. Siya ang ina ng Asociacion De La Cruz Roja na kilalang Philippine Red Cross ngayon.
  3. Melchora Aquino – Siya ang nag-alaga ng mga may sakit at sugatang rebolusyonaryo. Kinupkop niya ang mga ito, pinakain, at binigyan ng tahanan. Ang mga lihim na pagpupulong ng mga Katipuneros ay nangyayari rin sa kanyang pamamahay.
  4. Patrocinio Gamboa – Siya ay may palayaw na “Tiya Patron” at kabilang siya sa mga babae na nagtulong-tulong sa pagtahi ng watawat na ginamit at iwinagayway ng pamahalaang rebolusyonaryo noong Nobyembre 1898 sa Visayas.
  5. Nazaria Lagos – Siya ang tinaguriang “Florence Nightingale Ng Panay” at ang kanilang bahay ay nagsilbing lugar ng mga pagpupulong ng mga maghihimagsik. Nanguna siya sa pag-alaga ng mga sugatan at maysakit.
  6. Marina Dizon – Siya ang isa sa mga naging tagapag-ingat ng mga dokumento ng Katipunan at sinunog ang mga ito nang maganap ang pagdakip.
  7. Gregoria De Jesus – Siya ang “Lakambini Ng Katipunan”, ang pangalawang asawi ni Andres Bonifacio. Mahalaga ang kanyang papel bilang tagapag-ingat at tagapagtago ng mga mahahalagang papeles at dokumento ng Katipunan.
  8. Agueda Kahabagan – Mas kilala siya bilang si Henerala Agueda at kinilala dahil sa kanyang natatanging katapangan.
  9. Teresa Ferraris Magbanua – Ang nag-iisang babae sa kasaysayan ng kabisayaan na namuno ng mga mandirigma laban sa mga dayuhan.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook :@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment