MAIKLING TALATA EXAMPLE – Sa araling ito, pag-aaralan natin ang kahulugan ng talata at pagtunghay sa mga halimbawa nito.
Ang isang talata ay “lipon ng mga pangungusap kung saan ang mga diwa ay bumubuo at may kaugnayan sa iisang paksa”. Ito ay may apat na uri: Panimulang Talata, Talatang Ganap, Talatang Paglilipat-Diwa, at Talatang Pabuod. Basahin ang ilang halimbawa.
Talata Example – Ano Ang Talata At Mga Halimbawa Nito
Isang talata example at ilang mga halimbawa pa tungkol sa iba-ibang paksa.
TALATA EXAMPLE – Pagbibigay kahulugan kung ano ang talata at ilang mga halimbawa na may iba-ibang paksa para mas maunawaan ito.
Ang talata ay “isang teksto na binubuo ng pangungusap o lipon ng mga pangungusap kung saan ang mga diwa ay bumubuo at may kaugnayan sa iisang paksa”.
Ang mga ideya na napapaloob sa isang talata ay dapat na magkakaugnay at sumusuporta sa pangunahing layunin upang mas maintindindihan ng isang mambabasa ang mensahe na nais mong iparating bilang manunulat nito.
May apat na uri ang talata:
- Panimulang Talata
- Talatang Ganap
- Talatang Paglilipat-Diwa
- Talatang Pabuod
Maari na ang isang talata ay maglarawan, magbigay ng impormasyon, maging naratibo, o maging mapang-akit.
Basahin ang isang talata tungkol sa pagtutulungan:
Ang pagtutulungan ay nasa dugo at kultura ng mga Pilipino. Sa sinaunang panahon, ang ating maga ninuno ay nagtutulungan sa pamamagitan ng bayanihan. Ayon sa mga talasalitaan, ang “pagtutulungan” ay tumutukoy sa pagkakaisa ng mga mamayan upang makamit ang isang mithiin. Kapag lahat tayo ay magtutulungan, walang imposibleng hindi natin kayang gawin.
Ito pa ang ilang mga halimbawa na ayon sa iba’t ibang paksa:
Talata tungkol sa Pamilya:
Ang pamilya ang mga tao na kailanman ay hindi ka iiwan – sa hirap man o ginhawa. Sila ang iyong mapupuntahan sa oras ng kahirapan at sila ang aagapay sa iyo tungo sa tagumpay. At kung pagmamahal na tunay din lang naman ang usapan sila ang makakapagbigay nito sa atin – isang pagmamahal na totoo, tapat, at walang kondisyon na kaakibat.
Talata tungkol sa Sarili:
Ako ay si Carlo Katogbak. Nag aaral ako sa mababang paaralan sa Tabak Elementary School. Ako ay maliit at payat na pangangatawan. Mabilog ang aking mata at medyo may kaputian ang aking balat. Bunso ako sa apat na magkakapatid. Hilig ko ang magbasa at magsulat. Nais ko sa aking paglaki ay maging isang doktor upang makatulong sa mga mahihirap.
Talata tungkol sa Pandemya:
Isang malaking dagok ang naidulot ng pandemya sa mundo at sa lahat ng tao. Marami ang nawala at maraming mga pangarap ang nanatiling pangarap sa diwa dahil dito. Pero ang pandemya rin ang nagturo sa atin ng mararaming importanteng bagay tulad ng pagmamahal sa pamilya at ibang tao, pagpapahalaga sa oras, at ang kahalagahan ng ipon. Natanto natin na ang mga materyal na mga bagay ay lilipas at mas importante ang mga taong mahal natin.
Ang isang talata ay maaring tumukoy ng mga sumusunod:
- pangkat ng mga salita
- pangkat ng mga pangungusap
- berso
- linya ng tula
- panulaan
- tula
- bersikulo sa Bibliya
- talataan
- hugnay
- sugnay
- saknong
- pukto
- tagunton
- taludturan
- taludtod
- parapo
READ ALSO:
- Payak Na Pangungusap – Mga Halimbawa Ng Payak Na Pangungusap
- Example Of Frozen Speech Style – What Is A Frozen Speech Style?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.