Epekto Ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig – Anu-ano ang mga ito?

Ang mga epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig. Alamin!

EPEKTO NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG – Pagtukoy sa ilang mga epekto ng World War 2 o ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nagsimula noong Setyembre 1939 at nagtapos noong Setyembre 1945. Ang digmaang ito ang tinaguriang pinakamalaki at pinakamadugo sa kasaysayan ng mundo.

Epekto Ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Malalaking pwersang militar ang pinakawalan ng mga bansang kalahok na nagbilin ng milyon-milyong sugatan at namatay na mga sundalo o mandirigma at mga sibilyan. At ang isa sa mga dahilan ng digmaan ay ang pag-ambisyon ng mga bansa na magpalawak ng teritoryo at ang great depression sa ekonomiya ng buong mundo.

Ito ang ilan pang mga sanhi ng digmaang ito:

  • Pagkabigo sa pagsulong ng kapayapaan
  • Pasismo
  • Pagbuo ng Axis Coalition
  • Pagiging agresibo ng mga Aleman
  • Mukden Incident and the Invasion of Manchuria noong 1931
  • Ang pagsalakay sa Pearl Harbor at iba pang mga pagsalakay na sabay-sabay na ginawa.

Sa pagtatapos ng digmaang ito, dahil sa malaking kawalan sa tauhan ng Estados Unidos, nagpasya ang presidente ng panahon na iyon na si Harry Truman na gumamit ng atomic bomb sa Hiroshima. Dalawang araw matapos ang pagbobomba, nilusob ang Manchuria, katimugang bahagi ng isla ng Sakhalin at mga kapuluan ng Kuril, at Shumshu ng hukbong Sobyet.

At apat na araw matapos ang pagbobomba sa Hiroshima, binomba ang nagsaki.

Habang ang digmaaan ay nangyayari, ito ang ilan sa mga naging epekto nito:

  • Halos 60 na bansa ang naapektuhan na nagdulot ng pagkasira ng maraming buhay at ari-arian.
  • Ang ekonomiya ay lubos na naapektuhan tulad ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi
  • Bumagsak ang pamahalaang pinamunuan nina Adolf Hitler ng Germany, Mussolino ng Italya, at Hirohito ng Japan.
  • Nagdulot ng kalayaan sa mga bansang Germany, Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, Indonesia, Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at marami pang iba.
  • Napagtibay ang Command Responsibility.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment