Kasagutan kung ano ang nobela at ilan sa mga sikat na nobela sa panitikang Pilipino.
ANO ANG NOBELA – Sa araling ito, maibibigay ang kahulugan ng nobela at ilang mga nobelang klasiko na sinulat ng mga Pinoy.
Ang nobela ay “novel” sa Ingles at ito ay isang sining pampanitikan na binubuo ng isang mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata. Ang salitang nobela ay nanggaling sa salitang “novella”, isang salitang Italyano na ang ibig sabihin ay balita, salaysay o romantikong kwento.
Ang isang nobela ay ang malikhaing pagkwento tungkol sa mapait na buhay ng isang tao, tungkol sa pag-ibig, tungkol sa isang trahedya, at marami pang iba. Maraming tauhan ang nasa isang kwento, maraming pangyayari ang nagaganap, at ang mga kaganapan ay nangyayari sa iba’t ibang tagpuan.
Ang isang nobela ay binubuo ng mga elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, pananaw, tema, damdamin, at simbolismo.
Basahin: Akda Ni Apolinario Mabini – Mga Akda Ng “Utak Ng Himagsikan”
Ito ang ilan sa mga kasiko at sikat na mga nobelang Pinoy:
- Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo
- Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
- Lalaki Sa Dilim ni Benjamin M. Pascual
- Banaag At Sikat ni Lope K. Santos
- Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
- Ang Huling Timawa ni Servando De Los Angeles
- Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg
- Dugo Sa bukang Liwayway ni Rogelio Sikat
- Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
- Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco
- Madaling Araw ni Inigo Ed Regalado
Ang mga nobela ay nauuri sa anim:
- Nobela ng Kasaysayan
- Nobela ng Pagbabago
- Nobela ng Pag – ibig o Romansa
- Nobela ng Pangyayari
- Nobelang Panlipunan
- Nobela ng Tauhan
READ ALSO:
- Compound Sentence – What Is A Compound Sentence, Some Examples
- Figurative Language – What Is Figurative Language and Its Examples
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.