Uri Ng Pamahalaan sa Pilipinas – Ano ang kahalagahan ng bawat isa?

Ano ang tatlong uri ng pamahalaan sa Pilipinas at ang kanilang mga tungkulin?

URI NG PAMAHALAAN – Pag-aralan ang tatlong uri ng pamahalaan sa Pilipinas at ano ang tungkulin ng bawat isa.

Pamahalaan ang namumuno ng isang bansa na nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, nagbibigay ng seguridad sa mamamayan, at nagpapatupad ng batas para sa mapayapang pamumuhay. At sa Pilipinas, nahahati ang ating pamahalaan sa tatlong uri kung saan ang bawat isa ay mahalaga ang tungkulin – ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.

Ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng 1987 Konstitusyon, “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.”

Uri ng pamahalaan sa Pilipinas

Ang tatlong uri ng pamahalaan sa Pilipinas:

  1. Lehislatibong Sangay ng Pamahalaan
    Sila ang mga tagapagbatas kung saan ang kapangyarihan na ito ay ipinapagkaloob sa sa Kongreso ng Pilipinas kung saan nabibilang ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives). Batay sa Official Gazette, “”ng Lehislaturang sangay ay pinahihintulutang gumawa ng mga batas, mag-amyenda, at magsawalang-bisa ng mga ito gamit ang kapangyarihang ibinigay sa Kongreso ng Pilipinas. Nahahati ang institusyong ito sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.”

    Ang senado ay mayroon 24 na senador na inihalal ng nakararami. Ang lehislaturang sangay ang gumagawa ng mga panukalang batas (bills) at mga kapasiyahan/resolusyon (resolutions).
  2. Ehekutibong Sangay ng Pamahalaan
    Ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ang bumubuo nito na inihalal at ibinoto ng nakararaming tao. Sila ay magsisilbi ng anim na taon at Artikulo VII, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyo, ang pangulo ay may kapangyarihan na maging puno ng estado, puno ng pamahalaan, at punong komandante ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. 

    At sa oras na mamatay, magkaroon ng kapansanan, o magbitiw sa pwesto ang pangulo, ang pangalawang pangulo ang maaring maghalili.
  3. Hudikaturang Sangay ng Pamahalaan
    Ang Korte Suprema (Supreme Court) at mga mababang korte (lower courts) ang may hudikaturang kapangyarihan ayon sa Artikulo VIII, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon. Tungkulin nila “desisyunan ang mga pagtatalo hinggil sa mga karapatang ipinagkaloob ng batas sa bawat mamamayan”.

Ang mga batas at pamaraan:

  • usaping pampangasiwaan (administrative matters)
  • kautusang pampangasiwaan (administrative orders)
  • palibot-sulat (circulars)
  • memorandum sirkular (memorandum circulars)
  • kautusang memorandum (memorandum orders)
  • at sirkular ng Office of the Court Administrator (OCA circulars)

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment