Bakit Mahalaga Ang Pasasalamat? (Sagot)
PASASALAMAT – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang pasasalamat at kung bakit nga ba mahalaga ito.
Kapag may ginawa para sa atin o biyaya na nakarating sa ating buhay kailangan natin magpasalamat. Ito’y mahalaga dahil nagpapakita ito na na pinapahalagahan mo ang ginawa para sa iyo.
Kahit sa mga maliit na bagay ay kailangan nating magpasalamat. Mula sa ating mga pagkain, mga lakad, seguridad, kalusugan, at iba pa.
Ang pasasalamat ay nagpapakita na pinapahalagahan mo ang kabutihang loob ng ibang tao para sa iyo. Nakakatulong din ito para patibayin ang bawit indibidwal sa kanilang relasyon o sosyal na ugnayan.
Bukod dito, ang pasasalamat ay mayroong tatlong importanteng antas na dapat nating malaman. Ito ang:
- Ang kabutihang ipinamalas ng kapwa ay kinikilala.
- Pagbibigay salamat o pagpapasalamat.
- Ang pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa.
Ang kabutihang ipinamalas ng kapwa ay kinikilala – Kapag may ginawa para sa atin, kahit atin pa itong binabayaran, ay dapat na pasalamat. Ito’y nagpapakita na may halaga para sa atin ang kanilang nagawa.
Nagbibigay salamat o pagpapasalamat – Sa ating buhay, maraming mga biyaya ang ating matatanggap. Kaya naman, dapat tayo magpasalamat sa Diyos para dito.
Ang pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa – Ang pagbabalik ng utang na loob sa kapwa natin ay isa sa pinaka epektibong paraan upang ipakita ang ating pasasalamat.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Malalaman Ang Sukat Ng Isang Tula? (Sagot)