Heto Ang Halimbawa Ng Talata Tungkol Sa Online Class
ONLINE CLASS – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng talata tungkol sa online class.
Dahil sa pandemyang COVID-19, milyun-milyong mga estudyante at guro ang napilitang mag “remote-learning”. Sa Pilipinas, ito’y naka grupo sa online class at mga module. Pero, dahil sa biglaang pagsalin ng plataporma ng eduaksyon, marami ang nahihirapan. Heto ang ilang mga talata tungkol sa online class.
Online Class
Maraming benepisyo ang online class, lalo na sa panahon ng pandemya. Ang mga mag-aaral ay nakakapag-aral na nasa seguridad ng kanilang mga bahay. Bukod dito, mas nagiging komportable ang mga estudyante dahil sila ay nasa bahay lamang. Higit sa lahat, lahat ng kanilang pangangailangan at katanugan ay madali lang ma hanap sa tulong ng internet.
Subalit, kahit marami ang benipisyo nito, may mga negatibong epekto rin ang online class. Ang ilang estudyante ay hindi nakakapokus o sa ibang bagay nakatuon ang atensyon. Hindi rin lahat ng estudyante ang may kakayahang makapag-aral sa online class dahil sa iba’t-ibang dahilan.
Pandemya at Edukasyon
Sa kasalukuyang panahon, marami na ang nagbago dahil sa pandemyang, COVID-19. Pati ang pagpasok sa paaralan ay nagbago na rin gumagamit tayo nang mga gadgets at ang klase ay nasa online class na rin.
Ito ay kung saan ang mga estudyante at guro ay mag tuturo sa pamamagitan nang video call at online modules. Pero, marami na rin ang nahihirapan dahil sa online class. Ang mga guro at estudyante ay parehong may kahirapan sa bagong pamaraan ng pag-aaral.
Pero, dahil nasa pandemya tayo, ito ang pinaka-ligtas na paraan para maitaguyod ang edukasyon ng mga kabataan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Tao Laban Sa Kalikasan Kahulugan At Mga Halimbawa Nito