Ano Ang Mga Halimbawa Ng Maingat Na Paghusga? (Sagot)
MAINGAT NA PAGHUSGA HALIMBAWA – Ang ating morlidad ay naka batay sa iba’t-ibang mga aspeto, kaya naman kailangan rin nating pag-isipan ang pangyayari.
Bilang mga tao, tayo’y mabilis maniwala sa kung ano lamang ang nakita natin sa ating harapan. Sabi nga nila “To see is to believe”. Ngunit, atin din tandaan na kailangan nating ng konteksto at pagintindi bago tayo humusga.
Heto ang mga halimbawa:
- Alamin muna ang buong pangyayari bago humataw ng opinyon na maaaring maka sira sa imahe ng isang tao sa publiko.
- Huwag magbigay ng “bias” at siguraduhing patas ang pagtingin sa isang sitwasyon.
- Maingat rin ang paghusga kung ikaw ay nagbibigay at nagpapakita ng malawak na pag unawa sa isang sitwasyon o isyu.
- Maingat na paghusga kung sinusuri mong mabuti ang isang tao
- Ang pakikinig sa lahat ng opinyon ng mga tao ay isa ring paraan ng pagiging maingat sa paghusga.
Mahalaga ang maingat na paghusga dahil ito ay nakakaiwas sa pananakit sa ibang tao. Bukod dito, kung ikaw ay maingat na manghusga, mas napapaunlad ang kredibilidad mo. Isa rin sa mga kahalagahan nito ay ang paglabas ng tunay na pangyayari sa tuwing may isyu.
Bukod sa lahat, ang pagiging maingat sa paghusga ay nag sisilbing aral, hindi lamang sa iyo, kundi sa lahat ng tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Resilient In Tagalog – English To Tagalog Translations