Kabanata 46 Noli Me Tangere – “Ang Sabungan” (BUOD)
KABANATA 46 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 46 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t anim nakabanata.
Ang Kabanata 46 ay may titulo na “Ang Sabungan” na sa bersyong Ingles ay “The Cockpit”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Pagkalipas ng maraming araw ng paghahanap ay natunton din ni Elias ang pinagtataguan ni Tandang Pablo na isang matandang mayaman sa bayan na tumulong sa piloto.
Biktima ng karahasan si Tandang Pablo ng mga mapang-aping dayuhan. Naubos ang lahat ng kanyang kabuhayan dahil sa pananamantala ng mga nasa poder. Ang pinakamasaklap na nangyari sa kanya ay ang pagpatay lahat ng miyembro ng kanyang pamilya.
Ang matanda laman ang nakaligtas, kaya siya nagtago dahil ang akala sa bayan ay patay na rin siya. Madiin at matapang ang pasya ng matanda na isakatuparan na ang plinaplanong rebolusyon, subalit hindi ito sinang-ayunan ni Elias.
Buong pagpakumbaba na sinabi ng piloto na isantabi ang rebolusyon. Sa halip ay daanin muna ang lahat sa diplomasya upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at ng mga magiging biktima ng kaguluhan.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 45 – Ang Pinag-uusig
Kabanata 47 – Ang Dalawang Senyora