Kabanata 23 El Filibusterismo – “Ang Bangkay” (BUOD)
KABANATA 23 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 23 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-tatlong kabanata.
Ang Kabanata 23 ay may titulo na “Isang Bangkay” na sa saling Ingles ay “A Corpse”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Naging bugtong kay Basilio ang dahan-dahang pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago.
Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating si Simoun sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta ni Simoun ang kalagayan ng magkasakit pagkatapos ay sinabi niya ang kanyang pakay kay Basilio.
Sa kabila ng matigas na pagtanggi ni Basilio ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung pwede ay pamunuan ng binata ang isang pulutong na maghasik ng kaguluhan sa kalathang Maynila.
Ito ang naisip na paraan ni Simoun para maitakas niya sa kumbento si Maria Clara. Nagulat ang binata sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na pumanaw na si Maria.
Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa kanyang narinig. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio pero ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salivi na labis na tinangisan ni Tiyago. Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa nanlumumo na si Simoun.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 22 – Ang Palabas
Kabanata 24 – Ang Pangarap