Kilalanin Natin Ang Bawat Katangian Ng Wika At Ang Kahulugan Nila
KATANGIAN NG WIKA – Sa paksang ito, alamin natin ang mga katangian ng wika at ano talaga ang ibig sabihin ng bawat isa sa kanila.
Muli muna nating alamin ang kahulugan ng wika.
Kahulugan
Ito ay isang paraan ng kommunikasyon na kadalasang ginagamit ng tao sa isang lugar. Para sa atin, ang wikang Filipino ay ang ginagamit natin para makausap ang katulad nating Pilipino.
Mga Katangian
1. Ang wika ay masistemang balangkas
Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog
Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs
3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog
Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan
4. Ang wika ay komunikasyon
Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at pangangailangan ng tao.
5. Ang wika ay pantao
Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan
6. Ang wika ay kaugnay ng kultura
Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura.
7. Ang wika ay ginagamit
Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi ginagamit.
8. Ang wika ay natatangi
May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi.
9. Ang wika ay dinamiko
Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.
10. Ang wika ay malikhain
Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.
Thank you for sharing this very useful website to others. May God Bless you!!!