Ang Konsepto Ng Pangangailangan At Kagustuhan
KONSEPTO NG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN – Sa paksang ito, malalaman natin ng buong-buo ang Konsepto ng Panganailangan at Kagustuhan.

Mayroong walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ang tao na dapat niyang tugunan. Hindi pa rin mabibigyan ng solusyon sa layunin ng kakapusan kahit gaano man karaming pinagkukunan ng yaman nang dahil wala namang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Unahin natin alamin ang kahulugan nga pangangailangan at kagustuhan.
Pangangailangan
Ito ay mga bagay na lubhang importante para mabuhay ang isang tao. Andito sa kategoryang ito ang tinatawag na basic needs katulad ng damit, trahan, at pagkain.
Kagustuhan
Ito ay ang gusto ng pagangkin nga mga bagay na higit pa sa basic needs. Maari itong wala sa tao ngunit kaya paring mabuhay kahit wala nito. Kaya ito ginusto dahil ayon sa tao, makapagbibigay ang mga nito ng kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
Mga Teorya Ukol Sa Paksang Ito
Teoryang Pangangailangan ni Maslow
Ito ay teoryang ginawa ni Abraham Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist. Ayon sa kanya:
“People are motivated to achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next one, and so on.”
Gumawa rin sya ng isang pyramidong hirarkiya ng mga pangangailangan. Ito ang nakalagay sa hirakiya:
- Pisyolohikal – Tumutukoy ito sa bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog. Ito ay ang pinakamababang bahagi ng hirarkiya.
- Pangkaligtasan – Ito ay tumutukoy sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay.
- Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmahal – Ito ay pangangailangang panlipunan na tumutukoy sa pagmamahal na kailangan ng isang tao katulad ng pagkakaibigan, pamilya,
- Pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba – Tumutukoy ito sa pagangkin ng respeto sa sarili at sa ibang tao.
- Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato – Ang tao ay kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao. Ito ang pinakamataas na bahagi ng hirarkiya
Teorya ng Pangangailangan ni McClelland
Ito ay ginawa ni David McClelland, isa ring Amerikanong psychologits. Ayon sa teoryang ito, may talong pangangailangang pagganyak ang isang tao: nagawa, kapangyarihan, at pagsapi.
- Nagawa – Isa sa mga pangangailangang pagganyak. Ito ay lalong higit sa gantimpalang materyal. Ang makamit nito ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.
- Kapangyarihan – Ito ay may dalawang uri: personal at institusyonal
- Personal – isang kapangyarihang ang kadalasan ay masama nang dahil sa pagnanais ng tao na magtuos sa iba
- Institusyonal – tumutukoy ito sa pagsisikap upang maging maayos ang layunin ng samahan
- Pagsapi – tumutukoy ito sa pagnanais na makikipagsalamuha ng kapwa tao at para makadama sila nga tanggap sila ng kapwa tao.
BASAHIN DIN: Uri Ng Sanaysay – Kahulugan At Mga Bahagi Nito (Filipino)