ANO ANG PANDIWA: Kahulugan ng Pandiwa, Mga Halimbawa Nito

Kahulugan Kung Ano Ang Pandiwa at Mga Halimbawa Nito

ANO ANG PANDIWA – Narito ang kahulugan kung ano ang pandiwa at ang mga halimbawa nito.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan makikita sa mga pangungusap na nababasa natin ay ang pandiwa. Simula elementarya ay itinuturo na ito sa mga mag-aaral.

Ano ang Pandiwa?

Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Sa Ingles, ang katumbas ng pandiwa ay verb.

Mga Halimbawa ng Pandiwa

Ang pandiwa ay isa sa mga bahagi ng pananalita na may pinakamaraming halimbawa. Ilan sa mga ito ay ang lakad, kain, tulog, bigay, luto, upo, takbo, lagay, at lipat.

BASAHIN RIN: TUON NG PANDIWA: 7 Na Tuon Ng Pandiwa, Mga Halimbawa

Ano Ang Pandiwa

Bukod sa kahulugan kung ano ang pandiwa, naghahanap ka ba ng mga pangungusap na gumagamit ng ganitong bahagi ng pananalita?

Narito ang ilan sa mga pangungusap na gumagamit ng pandiwa:

1. Umalis sina Rodrigo at Nathaniel habang hindi pa umuulan.

2. Ginising ni Aling Myrna si Kakay nang maaga at inutusan itong mamili ng karne, baboy, gulay, prutas, at bigas sa palengke.

3. Kinuha ng guro ang laruan ni Victor upang makinig na ito sa klase.

4. Pinalipat ni G. Dominggo ng upuan si Santino upang hindi na sila mag-uusap nina Carlos at Benjamin habang nagtuturo siya.

5. Binalaan ni Dianne si Karen na huwag na huwag ng uulitin ang ginawa niya.

6. Nagluto sina Georgia at Meagan ng masarap na agahan bago sila umalis papuntang pook-pasyalan.

7. Itinaas ni Jacob ang karatula noong lumabas na ang mga pasahero ng eroplano.

8. Sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo, naabot ni Chino ang malusog at magandang hugis na katawan.

9. Ipinaghain siya ni Inay ng makakain pero hindi niya ito ginalaw.

10. Gumising si Salve ng maaga at diniligan ang mga tanim sa likod ng bahay nila.

Leave a Comment