Alamin at basahin ang talambuhay ni Andres Bonifacio, ang kwento ng buhay ng isa sa mga bayani ng Pilipinss.
TALAMBUHAY NI ANDRES BONIFACIO – Ito ang maikling kwento tungkol sa buhay ng Ama ng Rebolusyong Pilipino na si Andres Bonifacio.
Ang tinaguriang Ama ng Rebolusyong Pilipino ay si Andres Bonifacio. Ang kanyang mga alyas ay May Pagasa, Agapito, Bagumbayan, Sinukauan, at Supremo. Siya ang bayaning nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).
Ito ay isang lihim na lipunan na lumaban sa mga Espanyol nang sakupin ng mga dayuhang ito ang Pilipinas.
Isa si Bonifacio sa mga bayaning nakagawa ng mga mahahalagang kontribusyon para makamtan ng Pilipinas ang kalayaan. Pero bago ang lahat ng ito, alamin ang kanyang talambuhay dito!
Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak ng mag-aasawang Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Isang mestisa ang kanyang ina.
Nang matapos sa primarya, hindi na siya nakapagpatuloy pa sa pag-aaral dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Sa maagang edad na katorse, itinaguyod niya ang kanyang limang kapatid na sina Ciriaco, Procopio, Troadio, Esperidiona, at Maxima.
Hindi man nakapagpatuloy sa pag-aaral, siya ay bihasa sa salitang Kastila at Ingles. Siya ay naging mensahero ng Fleming & Company at bodegero ng Fressel & Company. Mahilig siyang magbasa lalo na ng mga aklat tungkol sa pamamahala sa lipunan at pakikipagdigma.
Dalawang beses nakapag-asawa ang bayani. Una ay si Monica Palomar pero namatay dahil sa ketong at ang sumunod ay si Gregoria de Jesus o Oryang. Nagkaanak sila, isang lalaki, pero ito ay pumanaw dahil sa bulutong.
Ang pagtatag ng KKK.
Naitatag ito noong Hulyo 7, 1892 at siya ang naging ikatlong supremo ng lihim na samahan. Marami ang umanib at sumama sa kanilang organisasyon. Subalit nagkaroon ng sigalot sa KKK nang mag-umpisa ang mga paksiyon at nabuo ang grupo ng mga Magdalo at ang Magdiwang.
Ang Magdalo ay samahan ng mga mayayaman na kasapi ng Katipunan at pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo samantala ang Magdiwang ay samahan ng mga mahihirap at pinamumunuan ni Mariano Alvarez.
Nang mahalal si Aguinaldo bilang pangulo ng unang republika ng Pilipinas, naging taga-liham si Bonifacio at siya ay naging sunod-sunuran na lamang kay Aguinaldo. Dahil dito, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang supremo ng Katipunan para ipawalang bisa ang bisa ang halalan.
Ipinaaresto siya ni Aguinaldo sa salang sedisyon at pagtataksil. Naakusahan din siyang sumunog ng simbahan ng Indang sa Cavite. Siya ay nilitis sa korte militar at nahatulan ng kamatayan.
READ ALSO:
- Ano Ang Panghalip Panao? Kahulugan Ng Panghalip Na Panao
- Desiderata By Max Ehrmann – Full and Original Text Of This Poem
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.