Ano ang mga kontribusyon ng Kabihasnang Mesopotamia? Alamin dito!
KABIHASNANG MESOPOTAMIA – Ang isa sa pinakauna at pinakamatandang kabihasnan ay ang Kabihasnang Mesopotamia at ito ang kanilang mga naiambag.
Ang pinakauna at pinakamatandang kabihasnan na natuklasan sa buong mundo ay ang kabihasnang Mesopotamia. Ang salitang ito ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na meso at potamos na ang ibig sabihin ay lupa sa pagitan ng ilog.
Ito ay napapagitnaan ng dalawang malaking ilog: ang Tigris at ang Euphrates.
Kilala rin ito sa tawag na ”fertile crescent” dahil ito ay may matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Ito ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya at sa panahon ngayon, ito ay ang mga bansang Iraq at Syria.
Sa bandang Timog-Kanluran nito ay ang Disyerto ng Arabia at sa Timog-Silangan ay ang Gulpo ng Persiko. Sa Silangan nito ay matatgpuan ang Bundok Ng Zagros at sa Hilaga naman nito ang Bundok Ng Caucasus.
Ilan sa mga pangunahing lungsod ng Mesopotamia ay Uruk, Ur, Lagash, Larsa, Nippur, Isin, at Kish.
Mga ambag:
- sistema ng irigasyon para sa pagsasaka
- pag-imbento ng mga gulong na transportasyon
- pagtayo ng mga templong panrelihiyon tulad ng mga nasa Nippur at Eridu
- cuneiform
- ang kanilang relihiyon ay polytheistic na nakatuon sa isang panteon ng mga diyos at diyosa
- sila ay magaling sa arkitekto katulad na lamang ng lungsod ng Babylon na itinayo ni Haring Nebuchadnezzar II
- binuo din nila ang ziggurat o mga malalaking stepped pyramids at ang pinakamalaki at pinakamahusay ay ang Great Ziggurat ng Ur na itinayo noong 2100 BC
- ang sibilisasyong Sumerian sa Mesopotamia ay kilala sa pagbuo ng mga unang sistema ng pagsulat, ang gulong, at astronomiya
- isa sila sa mga unang gumamit ng mga sandatang bakal at mga kuta at bumuo ng mga bagong taktika at estratehiya na mas pinagtibay ng ibang mga sibilisasyon
READ ALSO:
- Karapatan Ng Pamilya Na Dapat Isagawa at Isaalang-Alang
- What Are Context Clues? Definition and Examples Of Context Clues
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.