ELEMENTO AT PRINSIPYO NG SINING – Ang sining ay malikhaing paghayag ng damdamin at ito ang mga elemento at prinsipyo nito.
Ang sining ay mga gawain at likha na nagpapakita ng husay at talento. Dahil sa sining, tayo ay natuto hindi lamang magpahayag ng ating mga damdamin at emosyon kundi pati na rin ang pagkatuto na makinig, magmasid, at tumugon. Ito ang mga elemento at prinsipyo.
Elemento Ng Sining – Ano Ang Mga Elemento Ng Sining?
Alamin at pag-aralan ang mga elemento ng sining at ang mga kahalagahan nito.
ELEMENTO NG SINING – Ang sining, tulad ng kultura, ay isang mahalagang bahay at ito ang mga elemento na dapat mong malaman.
Ang sining ay isang paraan ng pagpapahayag at pagpapakita ng damdamin. Ito ang paglikha na nagpapakita ng kahalagahan sa isipan ng tao. Ito ang naging isang gawain ng mga tao para maipahayag ang kanilang opinyon, damdamin, at pananaw sa mga bagay-bagay sa isang malikhaing paraan. Ang mga likha ay nagpapakita ng kariktan at kagandahan.
Ang mga iba’t ibang mga paraan para mapakita ang sining ay pagpipinta, iskultura, teatro, sayaw, panitikan, arkitektura, pagguhit, sinehan, potograpiya at musika. Samakatuwid, ang mga gawang sining maaring biswal, nadidinig, at natatanghal.
Ito ay may walong pangunahing prinsipyo. Ang mga prinsipyong ito ay balanse (balance), kaibahan (contrast), proporsyon (proportion), diin (emphasis), galaw (movement), huwaran (pattern), ritmo (rhythm), at armonya (harmony).
Ano naman ang mga elemento nito?
- Linya
Ang pinakasimple, pinakanuno, at pinakauniversal na paglikha ng sining biswal. Ito rin ang gamit para paipakita ang direksyon ng isang likha. Ito ay may dalawang klase: tuwid (maaring patayo, pahalang, pahilis, pahilig) at kurbado (maaring solo, doble, kumbinado, mabilis, mabagal, mahina, malakas). - Valyu
Ito ang kaliwanagan at kadiliman. - Liwanag at Dilim
Tumutukoy ito sa epekto ng sinag ng ilaw sa obra. - Kulay
Ito ay may tatlong katangian: hue (batayang pangalan ng kulay gaya ng pula, berde, at bughaw), saturasyon (ang pagkalamlam at pagkatingkad), at katinkaran (ang paghalo ng puti na nagpapawala ng kulay at nagbubuo ng bagong kulay na kung tawagin ay tone). - Tekstura
Ang elemento na tinutukoy ang pandama na maaring makinis o magaspang, madulas o mabako, manipis o makapal, o mapino o mahibo. - Volume
Ang kabuuang espasyo na inuukupa. - Espasyo
Dito nakadepende ang paggamit ng isang likha
Maliban sa pagpapahayag ng damdamin, ang paggawa ng sining ay isang paraan upang maipakita ang talento ng isang tao.
READ ALSO:
- Mga Uri Ng Teksto – Iba’t-Ibang Uri Ng Mga Teksto
- Ano Ang Tekstong Impormatibo? Pagtalakay Sa Tekstong Impormatibo
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.