Elemento Ng Sining – Ano Ang Mga Elemento Ng Sining?

Alamin at pag-aralan ang mga elemento ng sining at ang mga kahalagahan nito.

ELEMENTO NG SINING – Ang sining, tulad ng kultura, ay isang mahalagang bahay at ito ang mga elemento na dapat mong malaman.

Ang sining ay isang paraan ng pagpapahayag at pagpapakita ng damdamin. Ito ang paglikha na nagpapakita ng kahalagahan sa isipan ng tao. Ito ang naging isang gawain ng mga tao para maipahayag ang kanilang opinyon, damdamin, at pananaw sa mga bagay-bagay sa isang malikhaing paraan. Ang mga likha ay nagpapakita ng kariktan at kagandahan.

Ang mga iba’t ibang mga paraan para mapakita ang sining ay pagpipinta, iskultura, teatro, sayaw, panitikan, arkitektura, pagguhit, sinehan, potograpiya at musika. Samakatuwid, ang mga gawang sining maaring biswal, nadidinig, at natatanghal.

Ito ay may walong pangunahing prinsipyo. Ang mga prinsipyong ito ay balanse (balance), kaibahan (contrast), proporsyon (proportion), diin (emphasis), galaw (movement), huwaran (pattern), ritmo (rhythm), at armonya (harmony).

Elemento Ng Sining

Ano naman ang mga elemento nito?

  1. Linya
    Ang pinakasimple, pinakanuno, at pinakauniversal na paglikha ng sining biswal. Ito rin ang gamit para paipakita ang direksyon ng isang likha. Ito ay may dalawang klase: tuwid (maaring patayo, pahalang, pahilis, pahilig) at kurbado (maaring solo, doble, kumbinado, mabilis, mabagal, mahina, malakas).
  2. Valyu
    Ito ang kaliwanagan at kadiliman.
  3. Liwanag at Dilim
    Tumutukoy ito sa epekto ng sinag ng ilaw sa obra.
  4. Kulay
    Ito ay may tatlong katangian: hue (batayang pangalan ng kulay gaya ng pula, berde, at bughaw), saturasyon (ang pagkalamlam at pagkatingkad), at katinkaran (ang paghalo ng puti na nagpapawala ng kulay at nagbubuo ng bagong kulay na kung tawagin ay tone).
  5. Tekstura
    Ang elemento na tinutukoy ang pandama na maaring makinis o magaspang, madulas o mabako, manipis o makapal, o mapino o mahibo.
  6. Volume
    Ang kabuuang espasyo na inuukupa.
  7. Espasyo
    Dito nakadepende ang paggamit ng isang likha

Maliban sa pagpapahayag ng damdamin, ang paggawa ng sining ay isang paraan upang maipakita ang talento ng isang tao.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment