Kahalagahan Ng Soberanya – Bakit Mahalaga Ang Soberanya?

Ano ang mga kahalagahan ng soberanya? Alamin!

KAHALAGAHAN NG SOBERANYA – Ang soberanya sa isang bansa tulad ng Pilipinas ay mahalaga at ito ang mga dahilan bakit ito mahalaga.

Ang terminong soberanya ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kalayaan at sariling pamahalaan ng isang bansa. Ito ay may mas malalim na kahulugan sa kalayaan at ito ay kailangan ng isang bansa para maging isang tunay na awtonomiya.

Bakit ito mahalaga?

Ito ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay proteksyon sa kalayaan ng isang bansa. Ito ay may dalawang uri: panloob na soberanya at panlabas na soberanya.

Kahalagahan Ng Soberanya

Ang panloob na uri ang nagpapahalaga sa sariling kalayaan ng estado. Ito ang kapangyarihan na pamunuan ang tao sa loob ng teritoryo ng bansa. Habang ang panlabas na uri ay ang kapangyarihan ng bansa ipahayag sa ibang bansa ang kalayaan nito o ang kalayaan mula sa panghihimasok ng mga dayuhan.

Ito ang mga katangian nito:

  • palagian
  • may malawak na saklaw
  • pansarili
  • hindi naisasalin
  • walang taning na panahon
  • lubos

Ito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang maging soberanong bansa:

  • ang estado ay may karapatan sa pagsasarili, pagkakapantay-pantay, pagsakop, pagmamay-ari, at pakikipag-ygnayan sa ibang bansa
  • may kakayahan ang isang bansa na gumawa ng mga batas para sa mga mamamayan 
  • para sa kapakanan ng publiko at kapakanang panlipunan
  • pagtatatag ng hustisya
  • pagpapanatili ng batas at kaayusan
  • pang-ekonomiya at pampulitika na kapakanan ng mga tao
  • garantiya sa karapatang pantao at proteksyon sa mga mamamayan
  • napapagtibay ang ugnayang dayuhan
  • pagsulong at pagpapatupad ng mga aktibidad sa ekonomiya
  • kalayaan laban sa kontrol at interbensyon ng mga dayuhan

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

25 thoughts on “Kahalagahan Ng Soberanya – Bakit Mahalaga Ang Soberanya?”

  1. Ang ating karapatan sa soberanya Ng ating bansang Pilipinas ay Hindi lubos na nabibigyan Ng proteksyon ating pamahalaan, noon paman sa mga nagdaang administrasyon, sana, Ngayon ay mabigyan na Ng sulosyon sa maayos, at mapayapa na pamamaraan Ng kasaluyang administrasyong Marcos. #PilipinasAtinIto!
    #GodBlessPhilippines!

    Reply
  2. Ang soberanya ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay proteksyon sa kalayaan ng isang bansa. Mayroon itong dalawang uri: panloob, na nagpapahalaga sa sariling kalayaan ng estado, at panlabas, na nagbibigay sa bansa ng kapangyarihang ipahayag ang kalayaan nito sa ibang bansa. Mahalaga ang soberanya dahil nagbibigay ito sa bansa ng karapatang pagsasarili, gumawa ng batas, itaguyod ang kapakanan ng publiko, garantiyahan ang karapatang pantao, at lumaya mula sa kontrol ng mga dayuhan.

    Sa konteksto ng Pilipinas, mahalaga na protektahan at itaguyod ang ating soberanya upang matiyak ang ating kalayaan at pag-unlad bilang isang bansa.

    Reply
    • mahalaga ang soberanya ng ating bansa dahil meron tayong kalayaan para mgkaroon ng sariling pamahalaan at kailangan ito para maging awtonomiya ang isang bansa. May kalayaan tayo na pamunuan ng isang leader (President) sa loob ng teritoryo ng bansa at may kalayaan tayo mula sa panghihimasok ng mga dayuhan.

      Reply
  3. Mahalaga ang soberanya ng isang bansa para malaya nitong pamamahalaan ang sariling teritoryo at mga mamamamayan na walang manghihimasok na ibang bansa.
    -Aaron Cunanan

    Reply
  4. Mahalaga ang soberanya dahil ito ang nagbibigay proteksyon sa kalayaan ng isang bansa at ang mga mamamayan nito nang walang nanghihimasok na iba.

    – Guztav Nunez

    Reply
  5. ito ay mahalagapara sa kapakanan ng publiko at kapakanang panlipunan
    pagtatatag ng hustisya
    pagpapanatili ng batas at kaayusan
    pang-ekonomiya at pampulitika na kapakanan ng mga tao.

    Reply
    • mahalaga ang soberanya ng Pilipinas upang maprotektahan ang ating kalayaan laban sa kontrol at interbensyon ng ibang bansa at mga dayuhan..ito din ay mahalaga sa pakikipaglaban sa ating karapatan sa lahat ng ari-ariang sakop ng teritoryo ng bansa

      Reply
  6. Mahalaga ang soberanya ng isang bansa dahil ito ang pundasyon ng pagiging malaya at nagsasariling bansa na nagbibigay daan sa mga Pilipino na hubugin ang sariling kinabukasan.

    Reply
  7. Mahalaga ang soberanya ng Pilipinas dahil ito ang nagbibigay ng lubos na kapangyarihan sa bansa na gumawa ng sariling batas, mamahala, at magpasya nang walang panghihimasok mula sa ibang estado. Tinutulungan din nitong mapangalagaan ang teritoryo at likas na yaman na kinakailangan para sa seguridad, kabuhayan, at pagkakakilanlan ng bansa. Pinatitibay nito ang kalayaan ng mamamayan dahil nagagawang panindigan ng bansa ang sarili nitong pamantayan ng demokrasya, kaayusan, at paggalang sa karapatang pantao.

    Reply
  8. Ang soberanya ng isang bansa ang nagbibigay ng siguridad at proteksyon sa mga mamamayan upang magamit ng malaya ang mga likas na yaman at malayo sa panggigipit ng ibang bansa.

    Reply
  9. Karapatan ng Mamamayan.
    Tinitiyak ng soberanya na ang mga Pilipino ay may karapatan, kalayaan, at proteksiyon mula sa sariling pamahalaan.

    Reply
  10. Karapatan ng Mamamayan.
    Tinitiyak ng soberanya na ang mga Pilipino ay may karapatan, kalayaan, at proteksiyon mula sa sariling pamahalaan kaya ito ay mahalaga.

    Reply
  11. Dorothy Janice Bulaclac

    – Mahalaga ang soberanya ng Pilipinas sapagkat ito ang magbibigay ng seguridad at protecksyon sa ating bansa laban sa mga dayuhan na mananakop.

    Reply
  12. Mahala ang soberanya ng Pilipinas dahil kung meron tayong sariling territoryo mas lalago ang ating ekonomiya. Ito ay mahihikayat ng mga aktibidad sa pakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo sa ibang banse.

    Reply
  13. ito ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay proteksyon sa kalayaan ng ating bansa at mapatupad ang batas at malaya s kontrol ng ibang bansa.

    Reply
  14. Mahalaga ang soberanya ng Pilipinas dahil ito ay nagbibigay ng seguridad at proteksyon sa kalayaan na ating bansa laban sa mga dayuhan.

    Reply
  15. Sa nangyayaring kaguluhan sa ating bansa mahalagang tulong na tayo ay isang soberanyang bansa may kakayanan tumindig, bumoses, at labanan ang masasamang nangyayari o ginagawa satin higit sa lahat ang mga palpak na gawain ng gobyerno. Naway gamitin natin ito upang makamit ang hustisya, katotohanan, at mga bagay na dapat ay napapasaatin.

    Reply

Leave a Comment