Uri ng Pang-Uri β€” Narito ang Pang-Uring Panlarawan, Pantangi, at Pamilang

Alamin Dito Ang 3 Uri ng Pang-Uri at Kanilang Mga Halimbawa

URI NG PANG-URI – Narito ang tatlong (3) uri at ang mga halimbawa sa ilalim ng Pang-uring Panlarawan, Pantangi, at Pamilang.

Ang Filipino ang isa sa mga asignatura na parte ng kurikulum mula kinder hanggang kolehiyo. Malawak ang nasasakupan ng mga topiko sa asignaturang ito kaya mas mainam na matutunan talaga ng mabuti ang mga topikong kailangang matutunan para mas mabilis maintindihan ang iba pang aralin. Isa na rito ang Pang-uri.

Books
Photo Courtesy: Park City

Ang Pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan. Kadalasan, ang pang-uri ay nagsasalarawan ng pangngalan sa isang pangungurap o parirala.

May iba’t ibang antas ang pang-uri. Mayroon rin iba’t ibang uri ng pang-uri at ito ang aaralin natin sa ibaba na bahagi ng artikulong ito.

Uri ng Pang-Uri
Photo from Brainly

May tatlong uri ng pang-uri. Sila ay ang Pang-uring Panlarawan, Pang-uring Pantangi, at Pang-uring Pamilang. Narito ang gamit ng bawat isa sa pangungusap o parirala at mga halimbawa ng bawat uri.

Ang mga Pang-uring Panlarawan ay mga pang-uring naglalarawan sa hugis, kulay, laki, ugali, at iba pang katangian ng pangngalan o panghalip. Narito ang halimbawa ng mga pang-uring panlarawan:

  • Magandang lugar pasyalan ang Baguio.
  • Mabuting tao si Doc Simeon kaya mahal siya ng lahat ng mga tao sa kanilang lugar.
  • Malamig sa bukid tuwing gabi kaya masarap ang tulog ni Ian.
  • Berde ang suot ni Romeo para madali mo siyang makita sa pagdiriwang.
  • Hugis-tatsulok ang tinapay na ibinigay sa bata at manghang-mangha ito.

Ang isa pang uri ng Pang-uri ay ang Pang-uring Pantangi. Ito ay mga pang-uring nasa anyo ng pangngalang pantangi at nagbibigay-paglalarawan sa pangngalan. Kadalasan ay nagsisimula ito sa malaking letra. Narito ang ilang halimbawa:

  • Magaling magsulat sa wikang Filipino si Jeremy.
  • Paborito ni Veronica ang Pansit Malabon.
  • Mahilig si Daniel sa mga pagkaing Italyano.

Ang Pang-uring Pamilang ay naglalarawan sa dami o bilang ng pangngalan o panghalip. Narito ang ilan sa mga halimbawa:

  • Mayroon akong apat na aso at dalawang tuta.
  • Sina Tomas at Caridad ay may tatlong anak na babae.
  • Higit sa apat na libong tao ang pumunta sa pagdiriwang sa bayan.
  • Bumili ako ng anim na saging at sampung mansanas.
  • May isang lalaki na pabalik-balik sa lugar nila bago ang nangyari.

Leave a Comment