List of Tagalog Poems You Might Like To Take as Guide
TAGALOG POEMS – You can check here some literature pieces written in Filipino which you can read and use as a guide in making yours.
In literature which is one of the biggest aspects in both in learning English and Tagalog, poetry or poem is one of the topics that is discussed in almost all levels of education. Thus, there are cases when educators would require for personalized or less known masterpieces.
Below, you can find some examples of Tagalog poems. The list is ongoing thus, you can continue visiting it from time to time for new works of art.
“Gitna at Simula”
Isa, dalawa, sampo
Ganito magbilang mga batang naglalaro
Ngunit hindi naman ako bata at hindi naglalaro
Pero bakit ang bilis: Hunyo, Hulyo, Marso
Nakita ko na ito, darating ang araw’ng ito.
Makailang beses ko ng naranasan ang magpaalam
Alam kong sampung buwan lamang sa silid aralan
Hindi ito and una at hindi rin ang panghuli
Ngunit bakit may kirot parin sa bandang huli
Hindi pa ba ako sanay magmahal, lumigaya, tapos maiwan?
Parang parati naman, naranasan ko’to nung kamakailan
Sa araw araw na pagpasok sa eskwelahan
Lahat ng kalokohan at katarantaduhan
Makikita ko si crush na sadyang hinahangaan
Ngunit seryoso mamimiss ko talaga si ma’am.
Mga classmates, sila yung mga kapatid ko
Hindi kami magkakadugo ngunit nagkakasundo
Pero hindi sa lahat ng oras kaya naiistress si teacher.
Pangalawang magulang, super hero, ‘yan ang aming adviser
Napakadaling magmahal ngunit ang hirap makalimot
Mukhang tama, minahal ko kasi ‘tong mga kapareho ng unipormi kong suot
Ngunit sabi ni teacher nakita nya na ito.
Alam na naming darating ang araw na ito
Kaya akala ko handa na ako, handa na kami
Ang katuturan ng tulang aking ibinabahagi
Walang sinumang handa sa pagpapaalam.
Kahit alam mo na ito simulang pa lamang
Walang handa sa kirot at luha
Walang magkatulad, lahat iba-iba.
Sabi ni teacher magpasalamat sa magandang pagtatapos
Ngunit walang maganda dahil lahat ito ay unos
Hindi kami bobo para hindi makaintindi
Ngunit pasensya dahil lahat ng nagmamahal nagiging makasarili.
Ang pagpapaalam ay hindi ni minsan naging maligaya
Kaya maraming salamat sa napakasayang gitna
At higit sa lahat, sa napakaganda nating simula.
“Sa Tren”
Araw-araw ganito ang drama ko,
Sisigaw si mama, tatakbo ako. Inay ko po!
Late na naman ako!
Kuha ng pirasong biskwit,
hila sa bag sabay sukbit,
“Inay, itay, papasok na po ako”
Lakad-takbo, lakad-takbo,
Ang gate, baka makalimutan ko.
Maiiwan na naman ako ng train,
ang attendance at lagot pa sa adviser ko,
Ayan na ang gitgitan, tulakan, hiyawan,
ang eksenang ito palagi na lamang.
Aray ko po! Naiipit ako, tulong!
Ayaw ko pong maging isang burger patty!
“Miss Sorry, ang sikip kasi!”
Sambit ng isang Adonis sa aking harap.
Dalawang istasyon pa ang byahe,
Matinding tulakan pa pero di na bale,
Araw-araw na eksena ng buhay ko.
Updating…