Top 5 na Pinaka-Popular na NBA Player sa Pilipinas

Kung international sports league ang pag-uusapan, ang NBA na ang may pinakamaraming followers sa Pilipinas. Ang basketball ang pinaka-popular na sports sa bansang ito, kung saan makakakita ka ng ring sa bawat kanto, at minsan pa nga ay sa kalsada mismo. Ngunit sinu-sino nga ba ang pinaka iniidolong NBA players ng mga pinoy sports fan? Maliban pa riyan, alam mo rin ba na may mga players sa NBA na may dugong Pilipino? Halika at alamin natin kung sino itong limang paboritong NBA players ng mga Pilipino sa artikulong ito.

5. Raymond Townsend

Para sa mga long-time fans ng NBA sa Pilipinas, hindi malilimutan ang nag-iisang Raymond Townsend na tumatak sa bawat pinoy na nakasaksi sa kanyang glory days. Si Townsend ang kauna-unahang Filipino-American sa history ng NBA, ang kanyang ina ay isang proud pinay. Matapos gumawa ng history para sa mga Pilipino, naging inspirasyon si Townsend para sa mga batang manlalaro na paghusayan sa basketball upang makamit din nila ang kanilang mga pangarap. Sa kabila ng mga pagsubok at estereotipo, ipinakita niya na walang imposible sa mga Pilipino pagdating sa pinakamamahal na sports. Naglaro si Townsend para sa Golden State Warriors (1978-1980) at Indiana Pacers (1981-1982).

Raymond Townsend
Larawan mula sa ESPN

4. Jalen Green

Isa pang proud Fil-Am NBA player ay si Jalen Green na shooting guard ng Houston Rockets. Napa-ibig niya ang karamihan sa mga NBA fans sa Pilipinas dahil sa taglay na husay at puso sa basketball. Bilang isang rising NBA star, si Green ay isa sa mga pinaka-inaabangang atleta ng henerasyong ito. Hindi lang iyon, ipinagmamalaki rin niya ang kanyang Filipino roots kung kaya’t talaga namang minamahal siya ng lahat ng pinoy fans. Mula sa pagiging simpleng atleta noong high school, isa na siya ngayong NBA sensation na tinitingala ng mga kabataang pinoy na hangad maglaro para sa World Cup balang araw.

Pinaka-Popular na NBA Player sa Pilipinas
Kredito sa Larawan: AP Photo/Jacob Kupferman

3. Stephen Curry

Hindi na kailangan ng magarbong introduksyon, ngunit deserve ng four-time NBA champion na si Stephen Curry ang rekognisyon bilang isa sa pinaka-popular na NBA player sa Pilipinas. Noong 2015, una niyang napuntahan ang Pilipinas para sa i-promote ang kaniyang sapatos. Bilang point guard ng Golden State Warriors, si Curry ay naging two-time NBA Most Valuable Player at kinilala bilang inaugural NBA Western Conference Finals MVP. Hindi na nakakagulat kung isa siya sa highest-paid athletes sa buong mundo. Noong 2017, pumirma siya ng kontrata na nagkakahalaga ng $200 million.

Stephen Curry
Kredito sa Larawan: Noah Graham/NBAE / Getty Images

Gusto mo rin bang kumita habang pinapanood ang iyong mga paboritong NBA teams at players tulad ni Stephen Curry? Maaari mong ma-enjoy ang pagiging avid NBA fan sa pamamagitan ng pagtaya sa iyong mga basketball bets gamit ang JOHNNYBET. Mahahanap mo dito ang pinakamagagandang NBA odds upang manalo ng cash prizes at bonuses. May promo codes din na pwede mong gamitin sa pag-register para makakuha ng exclusive welcome package.

2. LeBron James

Ayon sa Forbes, si LeBron James ay ang unang aktibong NBA player na naging bilyonaryo. Noong 2004, itinatag niya ang LeBron James Family Foundation para matulungan ang mga pamilya, lalo na ang mga bata, sa Akron na nangangailangan ng suporta at pinansyal na tulong. Sa karera ni James bilang professional basketball player, tumanggap na siya ng apat na NBA MVP awards. Sa edad na 18, sumali siya sa NBA at pinatunayan sa liga na nabibilang siya rito, at hindi naman niya binigo ang mga fans, lalo na ng kaniyang team. Ang Los Angeles Lakers ay isa sa mga paboritong kuponan ng mga Pilipino dahil kay LeBron. Unang bumisita ang NBA star sa Pilipinas noong 2013 upang maka-bonding ang kaniyang pinoy fans at makapag-laro kasama ang mga kabataan na umiidolo sa nag-iisang LeBron James.

Pinaka-Popular na NBA Player sa Pilipinas
Larawan mula sa Sports Illustrated

1. Jordan Clarkson

Ang pangalang Jordan Clarkson ng Utah Jazz ay mabilis na naging household name para sa mga pinoy nang tawagin siyang NBA 6th Man of the Year noong 2021. Sa angking galing at abilidad niya humawak ng bola, naging game-changer siya para sa kaniyang team at pati na rin sa history ng buong liga. At nang mapabilang si Clarkson sa Gilas Pilipinas (Philippine National Team), naging icon na siya ng Philippine basketball at kinilala bilang isa sa mga pinaka-minamahal na NBA player ng mga basketball fans sa bansa. Si Clarkson ay patunay na kaya ng Filipino talent na dalhin ang husay ng pinoy sa international basketball scene tulad ng FIBA Asia. Repping “Three Stars and a Sun”, nakakabilib talaga ang dedikasyon ng isang Jordan Clarkson sa larangan ng sports.

Jordan Clarkson
Larawan mula sa SLC Dunk

Pagbubuod

Maraming NBA stars pa ang deserve na mapabilang sa listahang ito, ngunit ang limang ito ang masasabing “well-loved” basketball players para sa puso ng mga Pilipino. Ilan lang ito sa pinaka-matutunog na pangalan pagdating sa mga idolo ng NBA fans sa Pilipinas at ibang panig ng mundo na may pinoy. Kung may idadagdag ka sa aming listahan, sino itong NBA player at bakit? Share mo naman sa amin diyan sa ibaba!

Leave a Comment