MAIKLING KWENTO TAGALOG – Mababasa sa ibaba ang dalawang halimbawa ng mga istoryang mapupulutan ng magandang aral.
Ikaw ba ay naghahanap ng mga maikling kwento na nakasulat sa Tagalog at may magagandang aral lalong-lalo na para sa mga bata? Kadalasan, ang mga kwentong ito ay ginagamit ng mga guro sa pagtuturo.
Halimbawa ng Maikling Kwento na May Magandang Aral
Narito ang Halimbawa ng Maikling Kwento Para Sa Mga Bata
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO – Narito ang mga halimbawa ng mga maiikling salaysay na mapupulutan ng magagandang aral.
Isa sa mga pinakamabisang paghubog ng mga magagandang aral sa mga bata ay sa pamamagitan ng pagkwento ng mga maiikling kwento na mapupulutan ng mga magagandang aral.
Narito ang mga halimbawa ng mga maikling kwento na pwede mong basahin sa mga bata:
Si Juana at Si Dong
Marami ang naniniwala na ang aso ay pwedeng-pwedeng maging matalik na kaibigan. Isa na rito si Juana, labin-dalawang taong gulang na bata na nakatira sa Quezon City. Lumaki siya na walang kapatid at tanging si Dong, ang kanyang puting aso, ang palaging kasama maglaro.
Nagtatrabaho sa ibang bansa ang ama ni Juana at ang kanyang ina naman ay may maliit na sari-sari store sa kanilang bahay. Minsan nakikipaglaro rin siya sa ibang mga bata pero nandyan pa rin si Dong nakabantay.
Subalit, isang araw, hindi agad nagpakita si Dong nang tawagin siya ni Juana nang magising ito. Nag-alala ang bata at agad-agad na hinanap si Dong. Nakita niya ito na nakahiga sa ilalim ng dyip ng kanyang ama at matamlay ito. Mukhang may sakit si Dong.
Inaya ni Juana si Dong na lumabas at kinarga niya ito papasok ng kanilang bahay. Pinagluto nila ng kanyang ina ng manok na may sabaw si Dong at tinawagan ang pinsan niyang beterinaryo upang magtanong sa gamot na pwede ibigay kay Dong.
Bumili agad ng gamot si Aling Pilar upang makainom agad si Dong. Kinabukasan ay masigla na ulit si Dong at buntot-buntot nang nakabantay kay Juana kaya walang pag-aalala si Aling Pilar sa anak.
Ang Saranggola ni Cardo
Ipinanganak sa magarang buhay si Cardo o Ricardo Gutierrez. Lumaki siyang nakukuha ang kanyang mga gusto — palaging may bagong laruan, kumakain ng mga masasarap na mga pagkain, at nakakagala sa ibang bansa sa tuwing walang pasok.
Subalit, bago pa man tumuntung ng ika apat na baitang si Cardo sa elementarya ay namatay ang kanyang ama na siyang namamahala ng kanilang mga negosyo. Unti-unting nalugi at bumagsak ang kanilang mga kabuhayan sapagkat hindi naman alam ng kanyang ina ang pamamahala ng mga ito.
Dumating sa punto na ibinenta nila ang kanilang bahay at umuwi ng probinsya. Dating mahirap ang ina ni Cardo kaya umuwi sila sa probinsyang kanyang pinanggalingan.
Malaki ang pagbabago sa buhay ni Cardo. Mula sa magagara at laging bagong laruan ay naging mga bote, tsinelas, at saranggola, ang kanyang paborito, ang mga laruan niya.
Noong una niyang maglaro ng sarangola ay hindi alam ni Cardo kung paano ito paliparin. Subalit mababait ang kanyang mga kalaro sa nayon at tinuruan siya hanggang sa ito na ang bagay na nakakapagpasaya sa kanya pagsapit ng hapon.
Nagbago man ang buhay nina Cardo, pumasok sa isip ng isang bata na hindi nakadepende sa mga mamahaling materyal na bagay ang ikasasaya ng buhay. Sadyang maraming mga maliliit na bagay na makapagdudulot ng sobrang saya at dapat mo lang buksan ang iyong isipan at puso sa mga ito.