Ano Ang Malayang Sugnay — Gabay sa Pag-aaral sa Filipino

ANO ANG MALAYANG SUGNAY – Mababasa sa ibaba ang isang gabay sa pag-aaral tungkol sa malayang sugnay sa isang pangungusap.

Maraming topiko ang itinalatalakay sa asignaturang Filipino. Isa na rito ang tungkol sa “sugnay” na may dalawang uri. Sa ibaba, aaralin natin ang dalawang pangunahing uri ng sugnay.

Malayang Sugnay at Di-Malayang Sugnay – Kahulugan & Mga Halimbawa

Mga Kahulugan & Halimbawa ng Di-Malayang Sugnay at Di-Malayang Sugnay

MALAYANG SUGNAY AT DI-MALAYANG SUGNAY – Narito ang kanilang mga kahulugan at halimbawa.

Isa sa mga pinakamalawak na asignatura ay ang Filipino. Ito ay itinatalakay mula pre-school hanggang kolehiyo. Ito ay naka-sentro sa pag-aaral sa wikang Tagalog.

Hindi maikakaila na minsay ay nakakalito rin ang mga aralin sa asignaturang Filipino. Kadalasan, mas bihasa pa ang mga Pinoy na mag-aaral sa Ingles.

Subalit, hindi dapat tayo tumigil sa pag-aaral ng ating sariling wika. May mga pamamaraan kung paano mapadali ang pagka-intindi natin ng mga aralin sa Filipino – isa na rito ang pag-aaral muna ng mga pundasyong topiko.

Isa sa mga topiko na masasabing pundasyon sa pag-aaral ng iba pang mga topiko sa Filipino ay ating pag-aaralan sa artikulong ito.

Malayang Sugnay at Di-Malayang Sugnay

Ngayon, ating tatalakayin ang kahulugan at halimbawa ng malayang sugnay at di-malayang sugnay.

Malayang Sugnay

  • Ito ay tumutukoy sa sugnay na makapag-iisa. Mayroon itong simuno at panaguri at nagpapahayag ng isang buong ideya.

Mga Halimbawa:

  • Umalis ng maaga si Jaime.
  • Binigyan ng tsokolate ni Dante si Mina.
  • Walong biik ang inihanda para sa kaarawan niya.
  • Pupunta ng simbahan sina Jules at Romina.
  • Nagluto ng hapunan ang nanay.
  • Nagtinda ng buko ang magkapatid sa parke.
  • Binigyan siya agad ng pera ni Aling Pasing.
  • Sa bayan na mag-aaral si Rommel.
  • Tumalon ng mataas ang bata nang walang takot.
  • Kunin mo ang kumot sa kama.

Di-Malayang Sugnay

  • Ang sugnay na ito ay sugnay na hindi makapag-iisa. Hindi ito nagpapahayag ng isang buong ideya. Minsan walang simuno, minsan naman walang panaguri.

Mga Halimbawa:

  • Kung pupunta ka
  • Sakaling uulan mamaya
  • Kahit hindi pa siya tapos
  • Kung darating ang mag-ama
  • Kahit gabihin pa
  • Sakaling darating sila Rey
  • Kahit wala pa ang doktor
  • Kung aalis siya nang maaga
  • Sakaling papayag ang ahente mo
  • Kahit wala kang pera

Maraming salamat sa pagbisita sa pahinang ito. Sana’y marami kayong natutunan mula rito.

BASAHIN RIN: Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang”

Leave a Comment