Mga Tauhan Sa Noli Me Tangere

Tala ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere at Kanilang Papel

MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE – Narito ang talaan ng mga pangunahing tauhan sa nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

Isa sa dalawang pinakakilalang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas, ay ang Noli Me Tangere. Ito ay inilathala noong 1887. Ang kanyang pamagat ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay “Huwag Mo Akong Salingin” o “Huwang Mo Akong Hawakan”.

Mga Tauhan Sa Noli Me Tangere
Photo Credit: Owlcation

Ang isa pang nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal ay pinamagatang El Filibusterismo. Sa pagitang ng dalawang aklat, ang Noli Me Tangere ang nauna. Ang Pambansang Bayani ay 26 na taon pa lamang nang inilathala ang kanyang unang nobela. Malaki ang ginampanan ng istorya na ito sa paghubog ng pambansang pagkakilanlan.

Bagama’t hindi direkta, ang Noli Me Tangere ay naging pamamaraan rin ng bayani na maimpluwensyahan ang mga kapwa Pilipino at maimulat sa nangyayari sa bansang Pilipinas. Ito ay may malaking papel sa pagsisimula ng mga rebolusyon sa bansa.

Noli Me Tangere
Photo Credit: Philippine Folklife Museum Foundation

Maraming mga tauhan sa Noli Me Tangere. Ilan sa kanila ay nagpapahiwatig ng mga katangian ng isang Pilipino — katulad ni Maria Clara na isang imahe ng isang babaeng Pilipino.

Narito ang mga tauhan sa Noli Me Tangere at ang mga papel na kanilang ginanap”

Juan Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomo Ibarra o mas kilala sa tawag na “Ibarra” ang pinaka pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere. Isa siyang Pilipino na may dugong Kastila ngunit lumaki sa Pilipinas. Ilang taon ring nag aral sa ibang bansa si Ibarra at sa mga taon na iyon ay hindi niya alam ang mga nangyayari sa kanyang bayan.

Sa kanyang pag-uwi, nalaman na lamang ni Ibarra ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama. Nagpasya siya na bigyang dangal ang kanyang ama sa pamamagitan ng pagsunod sa kung paano ito noong nabubuhay pa siya.

Maria Clara

Katulad ng sinabi kanina, si Maria Clara ay sumasalamin sa isang babaeng Pilipino. Sa nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal, siya ay anak ni Kapitan Tiago at Doña Pia Alba. Subalit, namatay ang kanyang ina nang manganak ito sa kanya. Siya rin ang napupusuan ni Ibarra simula noong mga bata pa sila.

Lumaki man si Maria Clara na si Kapitan Tiago ang kinikilalang ama, napag-alaman sa ibang bahagi ng kwento na siya ay anak ni Padre Damaso, isang pari na pinilit ang kanyang ina sa pakikipag-relasyon.

Padre Damaso

Siya ang dating pari sa Parokya ng San Diego. Matalas ang kanyang mga dila at palagi siyang nagsasalita laban sa ibang tao lalong-lalo na laban kay Ibarra.

Don Santiago delos Santos

Si Don Santiago delos Santos o mas kilala sa kwento bilang si Kapitan Tiago ay isang mayamang asawa ni Doña Pia Alba at kinilalang ama ni Maria Clara habang lumalaki ito. Siya at ang kanyang kapatid ang nagpalaki kay Maria Clara na anak pala ng isang pari.

Pilosopo Tasyo

Isa sa mga tauhan sa Noli Me Tangere na may malaking epekto sa mga nagbabasa sa kwento sy si Don Anastacio o mas kilala bilang si Pilosopo Tasyo. Galing siya sa mayamang pamilya ngunit ayaw ng kanyang ina na maging sobrang matalino sya kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang estado sa buhay.

Elias

Maraming kaganapan sa istorya na isinulat ni Dr. Jose Rizal kung saan nagtulungan si Elias at si Ibarra sa iba’t ibang sitwasyon. Subalit, si Elias ay namatay pagkatapos siyang pagbabarilin ng mga guwardiya sa kwento.

Sisa

Sa kwento ng Noli Me Tangere, si Sisa or Narcisa ang isang imahe na nagpapakita ng labis na pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Ikinulong si Sisa at nang makalabas ito ay hindi na niya nakita ang kanyang mga anak. Napag-alaman pa niyang wala na si Crispin, ang kanyang bunsong anak. Ikinasira ng bait ni Sisa ang mga pangyayari.

Thank you for visiting Philnews.ph. You may also follow us on Facebook, on Twitter, and subscribe to our YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment