Panghalip Na Pamanggit – Kahulugan Nito At Mga Halimbawa

Ano ang panghalip na pamanggit at mga halimbawa nito sa pangungusap?

PANGHALIP NA PAMANGGIT – Alamin at pag-aralan ang kahulugan at gamit ng panghalip na pamanggit, isang uri ng panghalip.

Ang limang (5) uri ang panghalip ay ang mga sumusunod:

Alam nating lahat na ang panghalip ay pronoun sa wikang Ingles at ito ay ang mga salita na ipinapamalit sa pangngalan ng isang pangungusap o talata. Ito ay ginagamit para maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng ngalan ng isang tao, bagay, hayop, pook, o mga pangyayari.

Panghalip Na Pamanggit

At sa sulating ito, ating tatalakayin natin ang isang uri nito na tinatawag na pamanggit.

Ang “pamanggit” ay mula sa salitang “banggit” at ito ang uri ng panghalip na nag-uugnay ng dalawang pananalita o kaisipan. Sa salitang Ingles, ito ay relative pronoun.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay dawrawumanodiumanoani, at sa ganang akin o iyo.

Mga halimbawa sa pangungusap:

  1. Ang bata raw ay nalunod sa ilog.
  2. Sa ilalim ng puno raw tayo magpi-picnic.
  3. Bakit daw ayaw niyang sumama sa lakad sa Sabado?
  4. Kinuha umano ni Rey ang payong mo.
  5. Ang sanggol diumano ay tinangay ng babaeng nurse ng ospital.
  6. Hindi raw pwedeng mag-cellphone kapag oras ng trabaho.
  7. Hindi na raw siya kakain ng mangga kahil na kailan.
  8. Mahal umano ang magbakasyon sa America.
  9. Kailan daw siya uuwi?
  10. Diumano’y nakuha na nila ang kanilang bonus.

Sa paggamit ng “raw” at “daw” katulad ng mga salitang “rin” at “din”; “doon” at “roon”; “diyan” at “riyan”; at “dini” at “rini”, dapat tandaan na “raw” ang gagamitin kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o vowel (a, e, i, o, u) at mga malapatinig o semi-vowel (w, y).

Ang “daw” ay ginagamit kung hindi nagtatapos sa patinig o malapatinig ang sinusundang salita.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment