Panghalip Na Pananong – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

May limang uri ang panghalip at ito ang mga dapat mong malaman tungkol sa panghalip na pananong. Narito ang mga halimbawa.

PANGHALIP NA PANANONG – Ito ang gabay ng mga detalye tungkol sa panghalip na pananong at mga halimbawa nito.

Mayroong limang (5) uri ang panghalip at ito ay ang Panao, Pamatlig, Pananong, Panaklaw, at Pamanggit. At sa artikulong ito, tatalakayin natin ang kahulugan nito, mga uri, at iba’t ibang mga halimbawa.

Ang panghalip pananong o interrogative pronoun sa English at ito ang uri ng panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pagsusuri tungkol sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. 

Sa kadalasan, ito ay tumutukoy sa mga tanong na sino, ano, alin, kanino, saan, at kailan.

Panghalip Na Pananong

Ito ay may dalawang uri: isahan at maramihan.

Ang isahan ay ginagamit sa mga tanong tungkol sa isang tao o bagay lamang. Ilan sa mga halimbawa nito ay anosinoalinilanmagkano, at kanino.

Mga halimbawa:

  1. Kailan ang iyong dating mula Saudi?
  2. Kanino mo ibinigay ang regalo?
  3. Alin ang gusto mong kulay sa dalawa?
  4. Magkano ang repolyo?
  5. Anong oras ang iyong trabaho?
  6. Saan mo nilagay ang bag?
  7. Kailan ang iyong alis papuntang Batanes?
  8. Ano ang kahulugan ng salitang “pagmamahal”?
  9. Saan nanggaling ang amoy ng bulaklak?
  10. Sino ang kasama mo sa pagbabakasyon?

Ang maramihan ay ginagamit sa mga tanong tungkol sa mga tao o bagay na dalwa o higit pa. Ilan sa mga halimbawa nito ay anu-anosinu-sinoalin-alinilan-ilansaan-saan, magka-magkano, at kani-kanino.

Mga halimbawa:

  1. Alin-alin sa mga libro na ito ang gusto mong ibigay sa akin?
  2. Saan-saan mo inilagay ang mga larawan?
  3. Kanino-kanino galing ang mga mensaheng natanggap ko?
  4. Sinu-sino ang natanggap sa trabaho?
  5. Kani-kanino mo ibinigay ang pandesal?
  6. Sinu-sino ang iyong mga guro sa paaralan?
  7. Anu-ano ang mga application sa cellphone mo?
  8. Anu-ano ang mga paborito mong prutas?
  9. Kani-kanino mo ibinahagi ang iyong kwento tungkol sa pagbubuntis ko?
  10. Sinu-sino ang mga ka-batch mo?

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment