Panghalip Na Pamatlig – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Ito ang kahulugan ng panghalip na pamatlig at halimbawa nito sa pangungusap.

PANGHALIP NA PAMATLIG – Ang panghalip ay may limang uri at sa sulating ito, tatalakayin natin ang panghalip na pamatlig.

Ang panghalip o pronoun ay ang panghalili sa ngalan o pangngalan sa isang pangungusap. Mayroong limang (5) uri ang panghalip. Ito ay ang mga sumusunod:

At sa sulalting ito, tatalakayin natin kung ano ang panghalip na pamatlig.

Panghalip Na Pamatlig

Ang pamatlig ang uri ng panghalip na ginagamit bilang panghalili o pamalit sa pangngalan na itinuturo. Ito ang mga salitang ating ginagamit kapag may itinutuo tayong bagay at lugar.

Ilan sa mga halimbawa nito ay iyan, iyon, ito, doon, roon, diyan, riyan, dito, at rito. Ito ay may tatlong pangkat ng pronominal:

  • Anyong Ang o Paturol – ito, iyan, iyon
    Ito ang mga panghalip na halili sa pangngalan at pariralang pangngalan na nagsisimula sa ang, si, o sina.

Halimbawa:

  1. Ang aklat ay may anim na libong kopya.
    Ito ay may anim na libong kopya.
  2. Ang mga baso ay nakatago sa kabinet.
    Ang mga ito ay nakatago sa kabinet.
  3. Ang mga chocolates ay mula sa abroad.
    Ang mga ito ay mula sa abroad.
  • Anyong Ng o Paari – nito, niyan, niyon
    Ito ang mga panghalip na halili sa pangngalan at pariralang pangngalan na nagsisimula sa ng.

Halimbawa:

  1. Kumain ako ng fishball.
    Kumain ako nito.
  2. Nagbebenta sila Kyle ng mga mangga at ubas.
    Nagbebenta sila Kyle ng mga niyan.
  3. Manonood kayo ng sine?
    Manonood kayo niyon?
  • Anyong Sa o Paukol – dito, diyan, doon
    Ito ang mga panghalip na halili sa pangngalan at pariralang pangngalan na hindi tao o nagsisimula sa sa.

Halimbawa:

  1. Sa McDo kami kumain ng agahan.
    Dito kami kumain ng agahan.
  2. Nag-aaral ako sa USLS.
    Nag-aaral ako diyan.
  3. Iniwan niya ang bag sa balkonahe.
    Iniwan niya ang bag doon.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment