MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN – Ito ang mga ahensya na nangangasiwa ng kaligtasan ng tao sa panahon ng kalamidad.
Ang mga ahensya ng mga pamahalaan ay may malaking tulong. Sila ang namamahala sa pagpapatakbo ng ekonomiya at pagpapaunlad nito. Bukod dito, may mga ahensya rin na ginawa para sa panahon ng kalamidad. Ito ang mga ahensya na tumutulong at rumeresponde sa mga tao.
Ahensya Ng Pamahalaan Para Sa Kaligtasan Ng Mga Tao
Ano ang mga ahensya ng pamahalaan na ginawa para sa ating kaligtasan?
AHENSYA NG PAMAHALAAN – Ito ang ilan sa mga ahensya na ginawa ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng mga tao.
Sa panahon ng mga kalamidad, ang ahensya ng mga pamahalaan ay malaking tulong para sa mga tao. Ang mga ahensyang ito ang nangangasiwa at nagtutulungan para maligtas ang mga mamamayan.
Sila ay may mga programa na tumutugon sa mga problema ng tao at naglilingkod sa lipunan lalo na sa mga nangangailangan ng tulong at mga mahihirap.
Ito ang ilang mga ahensya na ginawa para sa ating kaligtasan at ang kanilang mga gawain.
Mga ahensya at ang kanilang mga tungkulin:
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA)
- Nagbibigay ng mga ulat tungkol sa panahon.
- Mino-monitor ang mga bagyong paparating at nagbibigay paalala.
- Ang PAGASA-Flood Forecasting and Warning Section ay naatasan sa pagbibigay ng antas ng baha sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Philippine Institute Of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
- Binabantayan ang mga aktibidad ng mga bulkan sa bansa.
- Nagbibigay ng mga babala at paalala sa oras ng mga peligro.
National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)
- Tumutulong sa pagbawas ng panganib na dulot ng mga kalamidad.
- Sinisiguradong ang lahat ay handa para sa paparating na kalamidad.
Department Of Transportation and Communications (DOTC)
- Nakatalaga sa pagbantay ng transportasyon at komunikasyon sa panahon ng kalamidad.
Department Of Science and Technology (DOST)
- Tumutulong sa pag-iwas at paghadlang ng mga malawakang pinsala dulot ng mga kalamidad gamit ang mga bagong teknolohiya.
Civil Aviation Authority Of The Philippines (CAAP)
- Nonabantayan ang mga sasakyang pamhimpapawid tuwing may kalamidad.
Philippine Coast Guard
- Binabantayan ang mga sasakyang pandagat tuwing may kalamidad.
Philippines Information Agency (PIA)
- Nag-uulat tungkol sa relief and rescue operation kapag may kalamidad.
National Grid Corporation Of The Philippines (NGCP)
- Sinisigurado ang sapat na elektrisidad kapag may kalamidad.
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
- Nagbabantay at pinanatili ang kaayusan ng trapiko sa Maynila.
READ ALSO:
- Mga Uri Ng Pangungusap Na Ayon Sa Kayarian
- Halimbawa Ng Kontemporaryong Isyu; Pagtingin At Pagpapahalaga
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.