Halimbawa Ng Kontemporaryong Isyu; Pagtingin At Pagpapahalaga

Ano ang mga halimbawa ng kontemporaryong isyu? Alamin at pag-aralan!

HALIMBAWA NG KONTEMPORARYONG ISYU – Mga halimbawa ng mga kontemporaryong isyu at ang pagpapahalag nito na dapat mong malaman.

Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa mga pangyayari, ganap, opinyon, ideya, o paksa sa kasalukuyang panahon. Ito ay maaring pangkalakalan, pangkapaligiran, pangkalusugan, panlipunan, pang-edukasyong, pang-karapatang pantao, o pang-ekonomiya.

Sinasaklaw nito ang anumang interes ng ito.

Ang mga napapanahong isyu na ito ay nangangailangan ng pagtuturo na may katotohanan, kaisipan, at impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga lokal na pangyayari, at iba pa.

Halimbawa Ng Kontemporaryong Isyu

Ito ang mga halimbawa nito:

  • Panlipunan
    • Halalan
    • Terorismo
    • Rasismo
    • Eleksyon
  • Pangkalusugan
    • Kanser
    • COVID-19
    • Pagka adik sa droga
    • Sobrang Katabaan
  • Pangkapaligiran
    • Polusyon
    • Lindol
    • Bagyo
    • Global Warming
  • Pangkalakalan
    • Stock Market
    • Online Shopping
    • Business News
    • Import/Export

Sa pagpapahalaga, ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa mga isyu na ito ay nakakalinang ng kritikal at malawakang kaisipan. Maiuugnay mo rin ang iyong sarili at iyong mas maiintindihan ang iyong mundong ginagalawan.

Ang kamalayan ay nagbubuklod din ng mga tao upang pag-usapan at unawain ang mga suliranin na kinahaharap ng lipunan at para bigyan ng solusyon ang mga problemang ito. Dahil ang mga problemang ito ay nakakaapekto sa lahat ng miyembro ng pamayanan.

Kadalasan, ang mga isyu at usapin na ito ay mga malalaki at kasama na rito ang mga isyu noon na hindi pa nabibigyan ng karampatang solusyon hanggang ngayon tulad ng  kahirapan, kurapsyon ng pamahalaan, diskrmisnasyon, at paglabag sa karapatan pantao.

Ang mga isyung ito ay nagmumula sa social media, telebisyon, pahayagan, mga babasahin, at marami pang iba.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@ philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment