HALIMBAWA NG SALITANG NAGLALARAWAN – Ito ang mga halimbawa ng mga salitang naglalarawan sa salita at pangungusap.
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan. Ito ang mga salita na naglalarawan ng tao, bagay, hayop, o lugar. Ito ang mga halimbawa nitong mga salita at mga halimbawa sa pangungusap.
Salitang Naglalarawan: 15+ Halimbawa At Kahulugan Nito
Salitang Naglalarawan Halimbawa At Kahulugan
SALITANG NAGLALARAWAN – Ang mga salita na naglalarawan ay ginagamit natin sa pang araw-araw nating buhay kahit di natin ito alam.
Ang mga salitang nag lalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na pinapalinaw at bumubuo ng mas konkretong larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Heto ang mga halimbawa:
- malinamnam
- matapang
- napakalaki
- pula
- masaya
- napakaganda
- napakagwapo
- napakalakas
- matakutin
- masarap
- malaki
- maliit
- maaruga
- mabagal
- masunurin
Halimbawa ng mga ito sa pangungusap:
- Malinamnam ang lutong tinola ni Peter.
- Si David ay isang matapang na tao para labanan ang higanteng si Goliath.
- May nakita kaming aso na napakali kaninang umaga.
- Si Eva ay masaya na sa kanyang buhay.
- Napakaganda talaga ng mga bulaklak sa hardin mo, Nene.
- Ang aking anak ay napakagwapo!
- Hindi ko naisip na napakalakas pala ni Ramon, subalit, napakatakutin rin ito.
- Malaki ang hinaharap naming hamon sa buhay.
- Ang binili kong charger ay maliit lamang at kasyang kasya sa aking bulsa.
- Napakaswerte ko at naka kita ako ng maarugang babae katulad mo, Audrey.
- Ang mabagal na pagong ay nanalo sa sa karera laban sa mabilis na kuneho.
- Si Toto ay isang masunuring bata na laging nakikinig sa kanyang magulang.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Salawikain: 15+ Halimbawa Ng Mga Salawikain