URI NG PANGATNIG – Ang Pangatnig ay tinatawag na conjunction sa wikang English at ito ang mga iba’t-ibang uri nito.
Ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay para makabuo ng diwa ay mga pangatnig. Kilalanin ang mga uri nito at mga halimbawa ng bawat uri!
PANGATNIG – Ano Ang Mga Uri At Mga Halimbawa Nito?
PANGATNIG – Ano Ang Mga Uri At Mga Halimbawa Nito?
PANGATNIG – Sa paksang ito, ating alamin ang mga iba’t ibang uri ng pangatnig at ang mga halimbawa ng mga uri nito.
Alamin muna natin kung ano ang pangatnig.
![PANGATNIG](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/01/PANGATNIG.jpg)
Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, or pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.
- Pamukod
- Ang uri nito ay mayroong pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwag nilalagyan ng mga katagang ni, o, at maging:
- Halimbawa:
- Ano ba ang mas mainam na ipakain sa mga bata para sa meryenda, tinapay o biskwit?
- Kahit magdala man siya ng payong o hindi, mababasa pa rin siya sa lakas ng ulan.
- Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
- Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.
- Pandagdag
- Nagsasaad ito ng pagpupuno o pagdaragdag at ginagamitan ng mga katagang at, saka, at pati.
- Halimbawa:
- Kukuha muna ako ng kakainin at iinumin.
- Wala na akong magagawa sa buhay mo pati na sa mangyayari sa iyo sa hinaharap.
- Layunin niyang makawala ang mga sisiw sa kulungan pati na rin ang kanilang mga manok.
- Pananhi
- Ginagamit ito upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran at kung sumasagot sa tanong na bakit. Ang mga katagan nito ay sapagkat, palibhasa, pagkat, kasi.
- Halimbawa
- Palibhasa’y nagyayabang ka, ayan tuloy, napahiya ka.
- Gusto kong kumain dahil gutom ako.
- Mababa ang grado ko kasi hindi ako nakapag-aral ng maayos.
- Panubali
- Nagpapakita ng uri nito ng pagbabakasali o pag-aalinlangan. Ang mga katagang ginagamit ay kung, di, kundi, kapag, sana at sakali.
- Halimbawa
- Kapag wala kayo sa pagdalo, hindi ito matutuloy.
- Sana lahat makapagtrabaho ng maayos.
- Mawawala ang celfon mo kapag iniiwan mo kahit saan ka pumunta.
- Panlinaw
- Ginagamit ito upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwadon o paliwanag. Ang mga katagang ginagamit ay: anupa, kaya, samakatuwid, sa madaling salita at kung gayon.
- Halimbawa:
- Malakas ang ulan kaya sinuspende muna ang mga klase sa elementary at sekondarya.
- Umuwi siya ng maaga kaya nabigla ang ama niya.