Panahon Ng Batas Militar – Mga Hamon At Pangyayari Sa Panahong Ito

Ang mga pangyayari sa panahon ng batas militar sa ilalim ni dating pangulo Ferdinand Marcos.

PANAHON NG BATAS MILITAR – Ang batas militar ay isang makapangyarihang estado at ito ang mga pangyayari sa ilalim ng ganitong pamahalaan.

Gabi ng Setyembre 23, 1972, idineklara ni Ferdinand Marcos sa Pilipinas sa pamamagitan ng telebisyon at radyo na ang bansa ay mapapasailalim sa batas militar. Ang dahilan ayon sa dating pangulo ay sa paglakas ng mga Komunista sa bansa. 

Ang mga Komunista, diumano, ay nag-aangkat ng armas mula sa Tsina at ito ang kanilang gagamitin para pabagsakin ang pamahalaan at guluhin ang mapayapang buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Ipinangako ng dating pangulo na gagamitin niya ang mga special powers ng Batas Militar para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa. Makakita daw ito ng mga taong susunod sa kanya pero ang mga tututol ay magdudusa tulad ng mga rebelde.

Panahon Ng Batas Militar

Ito ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa panahong ito:

  • Marami ang naging tutol at namulat ang iba sa pagkakawala ng hustiya sa lipunan. 
  • Marami ang mga naging aktibista at maraming tao din ang naitala na dinukot at pinahirapan dahil sila ay lumaban.
  • Ipinatigil ang operasyon ng mass media at kanselado ang mga biyaheng panghimpapawid. Bawal din ang pagtanggap sa mga tawag mula sa ibang bansa.
  • Pinagdudahan ang nasabing pag-atake kay Juan Ponce Enrile. Ang nangyaring pagtatangka sa buhay ng dating kalihim ay isa sa mga dahilan sa pagpapatupad ng batas militar.
  • Hindi rin naging ligtas ang panitikan sa panahong ito. Pili ang mga panitikan na maisusulat at mababasa sa panahong ito.
  • Naging laganap ang mga tula, sanaysay, at iba pang mga akda na naglalahad ng pagsalungat sa diktaturya.
  • Pansamantala ay nahinto ang publikasyon at sirkulasyon ng mga pahayagan, pambansa man o pampaaralan.

Ayon sa Philippine Gazette, Enero 17, 1981 ay opisyal na natapos ang martial law sa bisa ng Proklamasyon Blg. 2045. Ang mga mahahalagang salik na nagtapos sa martial ay reformist opposition, revolutionary opposition, at religious opposition.

Ang EDSA People Power Revolution na tumagal ng apat na araw ay isang mapayapang rebolusyon na nagpatalsik sa diktador sa kanyang posisyon.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment